Chapter 16

80 4 4
                                    

Shin's POV:

Maaga akong papasok ngayon gusto kong hanapin si Jazz para magsorry, wala akong pake sa kanya ang ayoko lang kasi talaga yung may nagagalit or nagtatampo sakin.

Pagdating ko sa school ay agad akong nagpunta sa secret room, kumatok muna ako at yun nga ang nagbukas ng pinto ay si Jazz

"Hi, hehe" I waved  my hand but he shot the door aba bastos ah

Kumatok ulit ako pag bukas nya ayy

"Parang tanga usap kasi tayo" pumasok na ako sa secret room baka kasi saraduhan nanaman ako nitong lalaking toh. Sungit

"What?"  Sagot nya

"Sorry" ayoko ng magpaligoy ligoy

"For what? For lying?" Sabi nya, aba galit nga

"Sorry na nga kasi, kaya ko lang naman dinahilan yun kasi alangan namang kay Ozzy pa ako di sumipot eh sya unang nagtanong, sorry na kasiii. Ayoko ng may nagagalit o nagtatampo sakin" sagot ko sa kanya

"Tingin mo sakin marupok?" Nambbwiset ba toh? May pa ngiti ngiti pa eh

"Eh ano ba kasi gusto mo?, pati ba naman yun issue sayo, alam mo ang gulo mo Jazz. Sabi mo pwede naman akong lumapit sa Kings bakit galit na galit ka" medj napataas boses ko

He held my hand, ang higpit ng hawak nya "kasi ayokong nagsisinungaling ka sakin." Malakas na parang galit nyang sabi

"Basta sorry" lumabas na ako ng secret room, hindi ko alam kung bakit grabe yung kaba ko nung sinabi ni Jazz yun

Dali dali ay nagpunta na ako sa room, medyo maaga pa pero may mga kasama na rin naman ako sa room, ilang minuto pa ay dumating na si Kelly, sinabi ko sa kanya lahat ng nangyare simula kagabi. Ito namang babae na toh ang lakas mag pa guilty, kanina pa sabi ng sabi ng "Hala ka Shin, lagot ka." basta ganun.

"Babs, busy ka ba mamaya? May hindi pa kasi ako natatapos na assignment, you know me hindi ako magaling sa science, pls babs I'm begging you" Nagpapacute nanaman si Melvin, pero sa likod nya ay nandun yung ibang Kings tapos si Jazz nakatingin sakin

"A-ahh Melvin ayos lang ba kung send mo nalang sakin yung assignment tapos gagawin ko nalang send ko nalang sayo yung sagot kasi ahhh. Madami pa akong gagawin sa bahay oo yun" sagot ko, baka may masabi nanaman kasi si Jazz tss

"Sure ka Babs? Punta nalang kaya ako sa condo mo para makatulong parin ako" pangungulit parin nya

"Hindi na, ayos lang sige na nandyan na si sir" I smiled tapos humarap na ako kay sir

Suddenly someone texted me while in the middle of the class. Ng tignan ko kung sino... it was Jazz

From: Jazz sungit
Come with me later let's talk kung paano  ka makakabawi sa atraso mo.

Pagkabasa ko nun ay tumingin ako sa kanya at nasa likod ko sya with that smirk of his. May saltik ata jusq creepy nya...

I don't know what to do helpppp.....

The Queen of The KingsWhere stories live. Discover now