Shin's POV:
Nilabas ko yung sketchpad ko habang nasa cafeteria pa ako.
"Hays hindi ko na matapos tapos itong drawing na toh" its been 2 weeks simula nung inumpisahan kong idrawing si Gin, yeah that's the name of my drawing, dinrawing ko sya base sa ideal guy ko, he's tall, handsome, mapanga, may mahaba na messy hair, basketball player, matangos, kissable lips. Habang focus na focus ako sa pag ddrawing biglang may nagsalita sa tabi ko.
"Wow nice art" nakakagulat na sabi ng isang lakaki na bigla bigla nalang dumarating ng hindi ko man lang napapansin, it's a handsome guy with black hair and brown eyes, he's drinking his matcha milktea while looking into my drawing
"Ayy!! Anak ng palaka!!" Gulat na sabi ko at nasulatan ko yung drawing ko
"Ano ba bat ka ba sulpot ng sulpot?! Tuloy tignan mo nasulatan na drawing ko!" Medyo galit na may halong inis na tono ng boses kong sabi sa lalaki
"Grabe naman itong maka anak ng palaka, ganito kagwapo palaka? Tsaka sorry na, malay ko bang hindi mo ako napansin Miss beautiful, masyado kang nakafocus dyan sa drawing mo eh tsaka naka earphones ka pa. Tsaka you can erase the line anytime, it's not a big deal. By the way I'm Ozzy, I know you heard my name already" he replied with a smile.
I didn't smiled back, hindi dahil isa sya sa mga ulupong kundi dahil ginulat nga ako. Ozzy the american boy, gulat nga ako hindi sya englishero. He seems to be a nice a guy, but still ginulat nya ako.
"Hey Miss Beautiful, I already said my name, then what's yours?" He's still smiling
"Hi Ozzy I'm Shin, can I continue what I'm doing here, move ka ng konti dun masyado kang malapit" I replied back na may pilit na ngiti
"Nice Shin pala ha, My Shin HAHAHAHA nice" nanlaki mata ko ng sabihin nya yung word na My.
"Hays what ever, I really have to go" tumayo na ako at palabas na sana ng cafeteria ng magsalita ulit sya
"Bye My Shin, sana pag nagkita ulit tayo tapos mo na drawing mo and also call that drawing Ozzy" he said.
I have eight subjects per day, pero tatlo lang ang nagturo samin ngayon, sa umaga si Sir Leo lang so naghintay nalang ako hanggang mag one ng hapon for my Chem class, naging last subject ko naman yung PE tapos three palang ng hapon pinayagan na kaming makauwi kasi wala naman kaming teacher ng 3:00-5:00 kasi may meeting para sa event tomorrow na pupuntahan ng mga teachers. So bukas walang pasok. Yes! Makakatulog din, char tulog? Ano yun? HAHAHAHAA
Nang naka uwi na ako sa condo nahiga agad ako sa kama sa sobrang pagod sa paglalakad
"For these whole day, dalawang ulupong ang sumira ng araw ko, si Dexter na kung makabusina akala mo pagmamay-ari nya yung daan, next is Ozzy na hindi naman nakakabwiset ng sobra pero napaka kulit na maingay, na mayabang na akala mo sobrang gwapo, sabihin ba naman na sya si bebe Gin ko?" Sabi ko sa sarili ko, hays nababaliw na ata ako.
Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako, at nagising nalang ako ng mga bandang seven ng gabi. Pag gising ko gutom na gutom na ako, konti lang pala kinain ko sa pinadala ni mamang pagkain, feeling ko lalagnatin talaga ako eh, wala na akong ganang magluto kaya tumayo at nagbihis na ako pag katapos ay lumabas na ako ng condo para pumunta sa pinaka malapit na 7/11 at bumili ng good to go ng food, hindi naman kasi ako maarte sa pagkain. Madami akong natutunan simula nung humiwalay ako kanila mama at papa.
Bumili na ako ng kakainin ko at ng nakalabas ako at tumuloy pa ako sa Anime shop sa tabi ng 7/11. Kahit masama ang pakiramdam ko, basta anime hindi ko palalagpasin yan. Bumili ako ng Demon Slayer Action Figures, yiee I'm so happy. Dito ko lang ginagastos lahat ng pera ko, may binibigay na pera sila mama sakin pang bili ko ng ganito, they support me kahit parang panlalaki na dahil sa Anime yung room ko.
"So you like anime too huh?" Panggugulat nanaman ng isang pamilyar na boses
Pag lingon ko nakita ko nanaman si Ozzy Pellton
"Ikaw nakasanayan mo na yung mang gulat noh? Tsaka kabute ka ba? Sulpot ka ng sulpot kung saan saan. And yes I like anime" bigkas ko sa kanya habang namimili ng mga bibilhin
"HAHAHAHA sorry na ang cute kasi pag nagugulat ka. Tapos ka ng mamili? Hatid na kita sa inyo" sabi ni Ozzy
"No thanks, I can handle myself" lumabas agad ako sa shop at nagmadaling umuwi, I made sure na hindi sya nakasunod
Kumain na ako at nanood ng movie, wala naman kasi akong assignment, at wala sa mood utak ko para mag-isip ng concept ng video ko sa physics, nakatapos ako ng limang episode ng anime at humiga na ako sa kama at tumawag kay mama
"Hi ma, katatapos ko lang pong manood, wala naman kasi akong assignments, and you know what ma dalawa sa mga ulupong ang sumira sa araw ko, nakakainis" sabi ko kay mama sa kabilang linya
"HAHAHAHA sa dami ba naman ng pwedeng mang gulo sayo baby girl yung mga Kings pa, hayaan mo nalang sila ha, mag-aral ka lang ng mabuti dyan, at yung sabi ko ha sa graduation nandyan kami ng papa mo susunduin ka na namin we miss you baby girl, specially me." malambing na sabi ni mama
"Hi baby girl daddy miss you so much" sigaw naman ni daddy, HAHAHAHA my parents are so cool, they act like they are only my friends. That's why I love my parents, I want them to be more proud of me.
We talked util 9:00 and my mom told me to sleep already and I did. Wala sa kundisyon katawan ko para magpuyat.
YOU ARE READING
The Queen of The Kings
Teen FictionI just want a normal life. I just want to study and work with the job that I chose. Gusto ko lang gumawa ng sarili kong pangalan at hindi lang umasa sa pangalan na nabuo ng magulang ko. Pero mukang hindi na mangyayare yung normal na buhay na ninanai...