Shin's POV:
Ang aga aga may kumakatok sa pinto tss, sino ba kasi yun sabing saglit eh nagmamadali ba yun? Nagmadali akong pumunta sa pinto at pagbukas ko nito ay bumungad sa harap ko si Renz. Anong ginagawa nya dito tsaka pano nya nalaman kung saan ako nakatira?
"Hi ate Shin, kilala mo naman ako diba? HAHAHA pinapasundo ka sakin ni boss Jazz dun daw kayo mag-aaral ngayon sa condo nya. Pero kung ayaw mo naman pumunta pwede naman date nalang tayo HAHAHAHA" hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi nya. Seryoso ba sya? Kahit sabado walang patawad si Jazz. Ang dami ko pa namang assignments, pero bahala na dadalin ko nalang lahat yun dun na ako gagawa
"Ahmm pasko ka muna? Magbibihis lang ako saglit" pinapasok ko sya at agad naman akong pumasok sa kwarto para magbihis. Hindi naman ako matagal magbihis, hindi rin naman ako nag lalagay ng make up, liptint lang tsaka polbo.
"Wow ang bilis mo naman mag make up Ate Shin, ganda mo talaga" sabi ni Renz at todo ngiti HAHAHA akala mo bata
"Hindi ako nag make up, let's go?" Nauna na syang lumabas sumunod ako at nilock ko na yung pinto
Habang nasa daan kami ni Renz ay hindi sya mawalan walan ng topic, pinagmamalaki nya kung gaano kadaming babae na yung naging gf nya, kanina pa din sya nag-aayang mag date kami at kanina pa ako naririndi sa pagtawag nya sakin ng ate.
"You can call me Shin, only Shin enough na yun I'm only 17 so wag mo na akong i ate" i said then smile
Habang nasa daan kami ay tumawag naman bigla saakin si Jazz
"Hey you tutor nasan na kayo ni Renz?" Bungad ba naman sakin sigaw agad
"Wait lang po boss, ito na po oh on the way na, ayan na pinalipad na ni Renz sasakyan nya para makararing agad sayo, atat ka rin eh" sarcastic kong sagot sa kanya
Nang ibaba na nya yung tawag hindi ko maiwasang masabi na "panget mo Jazz" nakakabwiset kasi
Nakarating na rin kami sa wakas sa condo ni Jazz, ng pumasok ako ay tinago ko yung pagkamangha, grabe condo lang ba nya talaga toh mag-isa? Eh parang sakto na sa kanilang magkakaibigan. Iba talaga pag nag-iisang anak nakukuh lahat. Pero bakit ako hindi kasing luho nya.
Nilabas ko na yung notes ko para turuan na si Jazz ng bigla ba naman nyang sabihin na
"Pagluto mo na muna ako ng kahit ano, nagugutom ako" nag-init yung dugo ko sa sinabi nya
"Sabi ni Ma'am I'm your tutor not your slave" mataray kong sagot sa kanya
"Remember binabayaran kita" mayabang na tono ng pananalitang sabi nya
"I don't need your money Jazz, my point is I'm your tutor not your slave" nag-iinit na talaga ulo ko sa panget na toh kanina pa sya ang aga aga mambwiset
"Gusto mong sabihin ko pa kay Ma'am? Okay madali akong kausap" hahawakan na sana nya yung phone nya pero hinablot ko yun at tumayo
"No stop! Okay ito na oh magluluto na, kumakain ka naman siguro ng adobo, yun nalang para madali" kung hindi lang ako takot kay Ma'am eh kanina ko pa sinapak toh
Nagpunta na ako sa kusina at nag hiwa ng bawang, sibuyas at pati na yung baboy. Habang nagluluto ako yung boss ko naman nanonood lang. Parang bata na nanonood sa nanay nilang magluto
Ng matapos ko syang ipagluto ay nilagay ko na din agad yung adobo at kanin sa lamesa, sunod kumuha ako ng dalawang plato.
Nauna na syang kumain ako naman inaayos yung pinaglutuan ko, ayoko kasi ng makalat. Ng maka upo na ako at akmang kukuha ng kanin pinigilan nya ako
"Hey what do you think you're doing? That's mine, ako nagpaluto" pagmamaktol nya, akala mo batang inagawan ng candy
"Excuse me lang po boss aga aga mo kayang nambulabog, hindi pa ako nakakakain, tsaka hindi ko alam kung anong lasa ng niluto ko syempre gusto ko ding tikman, arte mo" kumuha na ako ng pagkain ko at nilabas ko na din yung assignments ko, kailangan ko ng tapusin toh alam ko magpapatagal nanaman si Jazz mamaya
"Do you really study while eating?" tanong nya
"Yes" tipid kong sagot at nagpatuloy na sa pag gawa
Tumayo naman sya at may kinuha sa kusina, pagbalik nya ay may dala na syang tubig, at nilapag nya sa harap ko. Naks medyo gentleman naman pala.
Konti lang nakain ko kasi naman tinapos ko na yung mga assigments, si Jazz naman inubusan ako, grabeng gutom naman yun sis. Inayos ko na yung pinagkainan naming dalawa, habang naghuhugas ako ng pinagkainan, may binigay ako sa kanyang papel na babasahin nya, pero totoong nagbabasa nya sya. Gumagawa din sya ng sarili nyang notes, sa totoo lang matalino naman na sya eh feeling ko nga hindi na nya ako kailangan nag-iinarte lang ata, or hindi nya kayang mag-aral ng sarili nya na gusto nya may kasabay
Ng matapos ako maghugas ay nilapitan ko na sya, wow I was so amazed when I saw him, tutok na tutok talaga. Habang nanonood ako sa ginagawa nya hindi ko na namalayan na bumabagsak bagsak na ulo ko sa antok, wala talaga akong maayos na tulog kagabi, zombie ba napapanaginipan ko edi mas pipiliin ko nalang gising magdamag.
"Mahiga ka muna dun sa sala, gigisingin kita pag tapos na akong magsulat" sabi nya, nakakaintindi din pala sya ng nararamdaman ng ibang tao, sa ngayon antok na talaga ako at natulog na nga ako sa sala
Pagkagising ko 10:30 am na pala?!?!! Ilang oras akong nakatulog, tsaka nasa sala ako ah, bakit nandito na ako sa kama. Anong nangyare?!?!! JAZZZZZZZ!!!
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko yung Kings nag-uusap usap
"You're finally awake" sabi ni Jazz
"Bakit ka nasa kwarto ni Jazz?" Tanong naman ni Kian, seryoso sya
"Masyadong napagod yung tutor ko eh" wait bakit nakangiti si Jazz ng ganyan?
"Don't tell me..." sabi ni Ozzy pero pinutol ko agad yung sasabihin nya
"No! Inaantok lang ako kanina habang nagsusulat si Jazz then hinayaan nya akong matulog, ang hindi ko alam bakit napunta ako sa kwarto" pagpapaliwanag ko
"Why are you so defensive?" Singit ni Frank
"Stop, pinagluto ko si Shin kanina napagod siguro kaya inantok, ako nagdala sa kanya kanina sa kwarto. Muntik na syang mahulo sa sala kanina. Now turuan mo na ako Shin" pagkaklaro ni Jazz sa lahat
Tinuruan ko na sya, inabot ako ng 2 sa pagtuturo, tatlong subjects din naman kasi. Bago ako umalis ay may inabot na sobre si Jazz sweldo ko daw
"Oh, 20k plus 3k dun sa pagluluto mo" grabe napaka galante. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat at umuwi na. Medyo ayos naman pala kahit nakapaligid yung Kings sakin.
YOU ARE READING
The Queen of The Kings
Teen FictionI just want a normal life. I just want to study and work with the job that I chose. Gusto ko lang gumawa ng sarili kong pangalan at hindi lang umasa sa pangalan na nabuo ng magulang ko. Pero mukang hindi na mangyayare yung normal na buhay na ninanai...