Chapter 8

73 5 0
                                    

Shin's POV:

2:45 pm na but still nandito parin ako sa cafeteria, hindi ako natatakot sa Jazz na yan. Pero gusto ko nalang matapos yung pag tutor ko sa kanya, baka pag di pa ako pumunta madagdagan pa parusa nila sakin. Kaya walang ano ano ay inayos ko na yung gamit ko at naglakad na papunta sa harap ng office. Pag dating ko dun ay naabutan ko na si Frank

"You're late" he said with that cold aura

"Biglang sumakit tyan ko, so saan?" Pagdadahilan ko

Agad din naman syang naglakad, ako naman sinundan ko nalang sya. I have my notes with me at nag-isip na ako ng paraan para mas mapadali yung pagtuturo at para maintindihan agad ni Jazz. After ng ilang minutong paglalakad naka rating na rin kami sa secret room nila. Pag pasok namin dun namangha ako sa ganda, it's just like an entire house inside a school nice. Agad din naman bumungad sakin yung napaka bait kong alaga sa araw na toh napaka cute nya sarap pigain. Hindi ko pinansin si Kian at Ozzy na parang gustong lumapit

"Start na, kailangan kong umuwi ng maaga" pagmamadali ko

"Before we start I want to tell you some rules I made" he said while flipping the water bottle

"Bilisan mo nalang pwede ba? I don't have all the time here" seryosong sabi ko

To my surprise he just smirked...

"Ayoko namang sabihan mo ako ng mahigpit so, pwede kang makipag-usap sa Kings anytime you want, next wag mo ng alalahanin yung mga taong pag-uusapan ka, while you are my tutor kamin Kings din ang bahala sayo, next babayaran ko yung service mo 5k every hour baka naghihirap ka na eh. Iready mo lagi yang phone mo tatawagan kita anytime na gusto kong magpaturo" hindi ako makaimik dahil sa lahat ng rules na yan si Jazz as if naman gusto kong makipag usap sa Kings. Isa pa I don't need his money. Tapos tatawag sya anytime na gusto nya? Pano naman yung time ko?

Nilabas ko na yung notes ko "okay kung yan ang gusto mo, can we please just start para makauwi na ako" kunyare mabait pa ako ng sinabi ko yan pero gusto ko na syang batukan

Nag-umpisa na akong magturo, si Jazz naman mukan interesado kahit papaano. Tango sya ng tango nung nagtuturo ako kapag tinatanong ko sa kanya yung terms nasasagot naman nya. Habang nag sosolve ako parang gets naman nya, pero nung pinagsolve ko sya dun kami nag tagal. So many excuse kesyo nagugutom daw, nauuhaw, gustong mag cr, pinaulit pa sakin yung buong topic. Inabot na ako ng 5:30 dito nagugutom na ako wala pa akong kain simula lunch

"Jazz pwede bukas nalang ulit kasi kailangan ko na talagang umuwi pls, I'm sure bukas gets mo na yan" pagmamakaawa ko

"No diba dapat maging worth it binabayad ko sayo? Turuan mo ako wag ka puro reklamo" sabi nya

What do you expect from Jazz

Nagturo nalang ako ng nagturo ng biglang lumapit si Kian at may inabot

"Here, kain ka na muna baka gutom ka na" he said while wearing that handsome smile

Kinuha ko yung food kasi gutom na talaga ako "thank you" sabi ko sa kanya at ngumiti

6:16 pm na ng naintindihan din ni Jazz sa wakas. Ng matapos ko ng ayusin yung gamit ko at paalis na sana ak ay may inabot si Jazz

"Oh sweldo mo" inabot nya saki yung sobre na naglalaman ng 17k naks galante ha

"Thanks byee" i said tsaka agad agad lumabas ng room nila

Nandito na ako ngayon sa main gate naghihintay ng taxi ayoko ng maglakad gabi na delikado.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may papalabas na iti na Lykan Hypersport at bigla bumusina.

"Shin buti naabutan kita. Sabay ka na sakin hatid na kita" it's Kian, ayoko ng magpabebe at sumakay na ako kasi kabi na rin

Alam naman na nya yung daan papunta sa condo kaya nag kwentuhan nalang kami. Kanina pa sya sorry ng sorry dahil sa ginawa ni Jazz sakin naman ayos na yun mukang madali lang naman. Saglit lang ay nakarating na din kami sa condo, inaya ko syang umakyat sa condo ko pero sabi nya may family dinner daw sila kaya kailangan na din nyang mauna. Agad na din naman akong umakyat, nagbihis at nagluto na.

Habang kumakain ako ay sunod sunod yung notif ng facebook ko.

Yung mga ulupong nagsi add friend

Wyane Natividad sent you a friend request

Accept Decline

--------------------------------------------------------

Renz Tan sent you a friend request

Accept Decline

--------------------------------------------------------

Melvin Cruz sent you a friend request

Accept Decline

---------------------------------------------------------

Ozzy Pellton sent you a friend request

Accept Decline

----------------------------------------------------------

Sinabi naman ni Jazz na pwede ko silang makausap so I guess walang mali na i accept ko. So ayun na nga inaccept ko sila.

Pag katapos kong kumain ay ginawa ko na muna yung assignments ko at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako agad ilang minuto lang pagkahiga ko. Bukas ano nanaman kayang mangyayare






--------------------------------------------------------
Short update muna guys kasi tuwing hapon lang din ako may time gumawa ng panibagong chapter

The Queen of The KingsWhere stories live. Discover now