Kian's POV:
I looked at her while she's teaching Jazz. There's something about that girl, I'm so obsessed with her smile. Sobrang simple nyang babae, she doesn't even wear make up I guess pero kasi parang ang natural beauty lang. Even side view ang ganda nya.
But I feel sorry for her, kasalanan ko din naman kung bakit sya napaparusahan ng ganyan. Kung di kami lumapit ni Ozzy sa kanya siguro malaya sya ngayon, siguro walang mga taong sya ang pinag-uusapan ngayon. But what can I do, gusto kong mapalapit sa kanya, she's different, palaban, mataray, pero she's cute back then nung inaabot nya yung baboy sa shop HAHAHAHA ang cute nya mainis nung hindi nya maabot. But now I have the chance na mas mapalapit sa kanya, ngayon na pinayagan na kami ni Jazz.
"I promise to be always by your side Shin, I'll be your bestfriend, I'll protect you no matter what kahit kay Jazz pa" bulong ko sa sarili ko
"May sinasabi ka bro?" bigla biglang salita ni Ozzy, narinig ba nya?
"Wala sabi ko order na tayo ng pagkain, baka gutom na din si Shin" sagot ko sa kanya
"Okay, gutom na din ako pre. Pero bro you think pag niligawan ko si Shin sasagutin nya ako?. Kasi iba sya eh pag ibang babae ang niligawan ko hindi pa ako nagtatanong sasagutin na nila ako, while si Shin nagagawa akong alis alisan lang sa shop" pagtatanong nya, the truth is nagulat ako nung sinabi nyang gusto nyang ligawan si Shin. Hindi ako papayag, I know si Jazz din.
"Ewan ko, but dude wag si Shin look what we have done to her. Dahil sating dalawa naparusahan sya ng ganyan, wala syang ginagawang masama pero sya ang nahihirapan, she's a nice person dude, ni hindi nga sya nagalit sating dalawa. If you want to be close to her be her friend, siguro that's the best way." Sumang-ayon naman si Ozzy, marunong din naman syang umintindi. Alam kong alam nya na pati ako interesado kay Shin, pero ayaw din naman naming sirain yung tahimik nyang buhay
After several minutes dumating na yung order namin, narinig ko na rin na nagrereklamo na si Shin kay Jazz, siguro gutom na sya. I ordered chicken for her, I don't know her favorite kaya yun nalang binili ko. Tumayo na ako ay lumapit sa kanya
"Here, kain ka na muna baka gutom ka na" i said to her while smiling
She smiled back then start digging in. Sabi ko na nga ba gutom na sya HAHAHAHA.
6:00 na din sila natapos, si Jazz talaga walang patawad. Halatang madaling madali na din si Shin, inabot na ni Jazz yung sweldo ni Shin. Agad din naman syang lumabas ng secret room.
"Jazz what's up with that? Bakit gabing gabi mo naman na tinapos yung pagturo ni Ate Shin, pagod din naman siguro sya sa school tapos hanggang 6 pa sya nagturo" biglang salita ni Renz
"Trip ko, tsaka bakit ba nagbabayad naman ako" maikling sagot naman ni Jazz
Gabi na may masasakyan pa kaya si Shin? Hindi ko na tinapos yung pag-uusap nila nagpaalam na ako at ang dinahilan ko may family dinner kami
Pag kaandar ng sasakyan ko at nakaabot na sa main gate, saktong nakita ko si Shin, naghihintay sya ng sasakyan papauwi, I smiled then shouy at her
"Shin buti naabutan kita sabay ka na sakin hatid kita" pag-aalok ko sa kanya
Hindi naman sya nagdalawang isip na sumakay na gabi na rin kasi, alam ko naman na yung daan papunta sa condo nya. Kaya ang ginawa ko nalang ay mas kilalanin sya. Mag-isa lang pala sya dyan sa condo nya, she also don't want to talk about her parents, it's not like she's angry with them but ayoko nalang usisain. Only child din sya. Now I can finally her beautiful smile again.
Ng nakarating na kami sa condo nya ay inaya pa nya akong pumasok pero sinabi ko nalang na may famiy dinner kami. Ng malapit na ako sa bahay, nakita ko si Jazz na naka sandal sa kotse nya. Bumababa na ako at nagsalita na sya
"Family dinner huh?" He said
"Naabutan ko si Shin kanina sa gate, hinatid ko na muna sya gabi na rin kasi tsaka sabi mo pwede na" pagpapaliwanag ko
"Wala naman akong sinabi na mali yun. But as a friend binabalaan na kita baka magkagusto ka dun sa tutor ko" pagtatapos nya ng usapan at umalis na
Anong nasa isip nya, ano naman kung magkagusto ako kay Shin, nagseselos ba sya? But no, I know Jazz mahirap patibukin puso nun. He's still inlove with her childhood sweetheart.
Someone's POV:
"Damn you Jazz makakaganti rin ako sayo"
"Hahanap ako ng tyempo, hahanapan kita ng kahinaan mo. Pag balik ko, I'll make you fucking bleed." Tinig galing sa hindi pamilyar na boses
YOU ARE READING
The Queen of The Kings
Teen FictionI just want a normal life. I just want to study and work with the job that I chose. Gusto ko lang gumawa ng sarili kong pangalan at hindi lang umasa sa pangalan na nabuo ng magulang ko. Pero mukang hindi na mangyayare yung normal na buhay na ninanai...