Shin's POV:
"Ano kayang pwedeng gawin ngayon? Should I go to the grocery or just stay at home and do the video? Haysss I guess I'll go to the grocery" bulong ko sa sarili habang nakaupo sa mesa at kumakain ng umagahan.
Naligo at nagbihis na muna ako bago umalis ng condo para mag grocery ng lahat ng kailangan ko sa isang buong linggo. Pag baba ko ay pumara na agad ako ng taxi at pumunta sa pinaka malapit na mall.
Nag grocery na ako at inuna ko yung pagkain, specially noodles kahit yun lang kainin ko sa isang buong linggo ayos lang pero ayoko din namang magkasakit kaya hinay hinay lang. Next I went to the meat are, kumuha ako ng manok, baboy, beef and my favorite tusino. Ng mabili ko na lahat ng pinaka kailangan ay hinuli ko ng bumili ng para sa skin care ko. Habang nakapila ako sa counter nag-iinit ulo ko dito sa magjowa na tong nasa harap ko kanina pa harutan ng harutan, ang ingay ingay nila. Hindi naman ako makalipat sa ibang counter dahil sobrang haba ng pila at yung iba naman nakasara pa. Sarap nilang pag-untugin bwiseeet...
Nang hindi na ako nakapag timpi at kanina pa next ng next yung cashier nagsalita na ako..."kung gusto nyong magharutan magdamag pwede ba siguraduhin nyo namang wala kayong naiistorbong ibang tao? Kanina pa next ng next si ate dun oh, hindi ko alam kung sadyang wala lang kayong hiya sa mga ibang taong nandito sa likod nyo naghihintay o talagang wala na kayong mapaglagyan ng kati nyo at pati dito maglalandian kayo." Hindi nakaimik yung dalawa sa sinabi ko at agad naman silang umusog para magbayad.
Kelan ba kasi matatahimik yung buong araw kooo.... hays para mawala yung init ng ulo ko pumunta nalang ako sa miniso para bumili ng teddy bear ko nalulungkot kasi yung isang baboy ko na stuff toy sa condo kaya dadagdagan ko lang. Luckily I got the last piggy, sobrang cuteee kaso hindi ko maabot HAHAHAHA matangkad ako pero ang taas kasi masyadoo, then may isang kamay nalang na biglang umabot kay piggyyy. Nagulat nalang ako ng iabot nya din sakin agad after nyang abutin...
"Here, so you like pigs?" It's the guy na nakabangga sakin sa hallway ng school.
"I saw you earlier sa may grocery, halatang halata dun sa dalawang pinagsalitaan mo yung takot" he said with a smile, pero hindi parin ako umiimik
"Oh sorry my bad, Kian by the way" inabot nya yung kamay nya sakin at nakangiti pari sya
"Kian? As in Kian Xavier?" I replied
"Yes, Kian Xavier Del Valle" he's still waiting for me to shake his hand
"Ahmm okay? I'm Shin" sagot ko at inabot yung kamay nya para makipag shake hands
"When I saw you kanina naalala ko na hindi pala ako nakapagsorry ng maayos nung nabangga kita, so I just want to say that I'm sorry. So bakit pala galit na galit ka kanina?" Sabi nya, hindi naman sya feeling close noh?
"About dun sa pagkakabunggo mo sakin, wala na yun, nagsorry ka naman na nun eh okay na, and dun naman sa kanina, ayoko lang talaga na nasasayang yung oras ko" paliwanag ko naman
"If that's the case, then pag ba inaya kitang mag kape masasayang ba oras mo nun? Libre ko" Tanong nya
"Gusto ko man, kaso madami pa akong gagawin so I have to go, thank you pala sa pag-abot kay piggy" tipid kong sagot, paalis na sana ako ng bigla nyang hablutin si piggy
" Nice meeting you Shin, I hope na magkita pa tayo I'm looking forward to know you better" he saud with a handsome smile
I smiled back pero hindi yung totoong smile ko parang medyo pilit ganun, kasi naman isa sya sa Kings. So totoo pala na sa kanilang pito si Kian ang mabait, salamat naman
I went home and started cooking adobo for my lunch. Alam ko magluto man kaya ako kay papa, dati gusto kong mag chef.
"May pasok nanaman bukas, tatapusin ko na yung video para makapag pass na ako bukas" after I ate my lunch, naghugas na muna ako ng plato at nagbihis ng long sleeves para presentable sa video
I started doing my project in physics, medyo nakakasakit ng brain cells kasi puro solving, tapos nakakaubos ng laway, after kong mag shoot inedit ko na at sinave sa flashdrive. Hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng 4 pm sa project lang na toh? Hays, nag-inat inat muna ako ng konti, I looked at Cookie my pet dog, he's a chow chow and he's patiently waiting for me to finish my project, I hugged my baby Cookie and ordered him na kunin na yung tali nya at lalabas na kami para sa afternoon walk nya.
Lumabas na kami ni Cookie at nagpunta sa park. Dito kami madalas tumambay sobrang payapa kasi ang makikita mo lang yung mga batang masayang masaya na naglalaro, I miss being with mommy and daddy, they always have time for me back then, they play with me, papa pretends to be the king, mama is the queen and I'm the princess. Ilang buwan nalang makakauwi na ako, makakabalik na ako sa dati kong buhay.
Kian's POV:
"Guess what dude, I met a girl yesterday, but she's no ordinary girl na nahuhulog na sa ngiti ko palang" pagkukwento ni Ozzy. Babaero talaga
Nandito kami ngayon sa secret room sa school, tinawagan kami ni Jazz pag-uusapan daw yung sa next game namin. Pero sya ang late
"Then what's the name of the girl?" Interesadong pagtatanong ni Renz. Isa pa toh pag babae iba yung tenga
"My Shin" Ozzy said with a big smile. Nanlaki mata ko ng marinig ko yung name ni Shin, totoo yung sinabi ni Ozzy na iba yung ugali ni Shin. She's that kind of girl na palaban, she doesn't even dares to flirt on me, which is normally what other girls do pag nakikita kahit isa sa aming mga pito. Now mas nagkakainteres ako sayo Shin
"Hahanapin ko yan akala mo ikaw lang swerte Ozzy ha" mayabang na salita ni Renz
"Good luck Wyane, tignan lang natin kung makausap mo ng maayos si Shin" singit ko naman sa pag-uusap ni Renz at Ozzy
"Dude kilala mo din My Shin? How....pan" naudlot na sabi ni Ozzy dahil biglang dumating si Jazz at nagsalita
"Archers" maikling sabi ni Jazz at naupo na sa upuam nya
"Huh?" Naguguluhang sabi ni Wyane
"Sila yung humamon sa atin, next game. Lexus Lc 500 ang pusta nila, every member tig-i tig-isa" sagot ni Jazz
"Hindi pa ba sumusuko yang mga yan? Halos limang beses na natin silang natalo ah, tss nagsasayang lang sila ng pera. Pero sige game, dagdag din sa collection ko yun" walang kakaba kabang sagot ni Wyane
"Kelan ba?" Tanong naman ni Melvin
"Sa isang araw" tipid na sagot ni Jazz
Si Frank naman ayun sa upuan nya tahimik lang, konti nalang magiging magkasing tulad na sila ni Jazz, buti nalang kahit papaano nagsasalita pa si Jazz. Si Frank sobrang sungit.
Bakit ba ayaw nilang tumigil na maghamon, lagi naman silang talo. What's with that Steven, nasobrahan sa taas yung pride nya, hindi ba talaga nya matanggap na kahit saan tignan talo ang Archers sa Kings. Ito namang si Jazz tanggap ng tanggap sa hamon nasasayang lang oras namin
---------------------------------------------------------
Guys wag sana kayong malilito pag minsan secon name ng characters ang gagamitin ko...
YOU ARE READING
The Queen of The Kings
Teen FictionI just want a normal life. I just want to study and work with the job that I chose. Gusto ko lang gumawa ng sarili kong pangalan at hindi lang umasa sa pangalan na nabuo ng magulang ko. Pero mukang hindi na mangyayare yung normal na buhay na ninanai...