Shin's POV:
Nakakawalang gana pumasok dahil sa lahat ng nangyare nung araw na yun, pero hindi ako magpapatalo sayo Jazz, hindi ikaw ang sisira sa lahat ng pangarap ko.
Pumasok na ako sa school, aaminin ko nagbago nagbago na ang lahat simula ng lumabas yung kasinungalingan na ginawa ni Jazz. Marami akong naririnig na mga masasakit na salita na kesyo malandi daw ako, may tinatagong kati. But I'm not Shin kung papatulan ko lang sila ng ganun kabilis, I will not go back on my word, magtatapos ako ng pag-aaral ko, guluhin man ako ng Kings o hindi. Mawalan man ako ng kaibigan, magkaroon man ako ng sobrang daming basher wala akong pake. Two weeks na ang nakakalipas, si Kian at Ozzy lagi akong kinukulit kung ayos lang daw ba ako dahil sa ginawa ni Jazz at kung pumayag daw ba ako sa kasunduan na magiging tutor ako ng leader nila. Simula din ng araw na yun napag desisyunan ko na mas lumayo ng lumayo sa Kings, hindi dahil sa natatakot ako sa pwedeng mangyare, kundi dahil alam ko lang sa sarili ko na simula nung nakilala ko sila nagkanda gulo gulo na buhay ko. Hindi ko na sinabi kanila mama kaya ko pa.
"Napaka landi, sino ba sya sa tingin nya para landiin si Dexter?"
"Bait baitan, sobrang landi naman pala"
"Nagawa pa nyang gumawa ng excuse para lang buhatin sya ni Papa Kian"
Nakakarindi na lahat ng sinasabi nila, pinipigilan ko nalang yung sarili ko na pumatol, at ibaba yug level ko sa level nila
"Stop talking or die bitches" sabi ng isang babae, ang ganda nya, maputi, may shape yung katawan nya. Sinasabihan nya ba yung mga chismosang babae dito sa hallway? Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung boses ni ate girl
"Sinong tinatawag mong bitch?" Sabi nung isang babaeng chismosa
"Kayo ng mga kausap mo, hindi ba halata? Wag nyong tawaging malandi si Shin, kasi alam nyo sa sarili nyo na mas malandi pa kayo sa salitang malandi" who is she, sinong may sabi na kailangan ko ng magtatanggol sakin? Pero ang galing napatigil nya yung mga chismosa
Maglalakad na sana ulit ako ng bigla nyang tinawag yung pangalan ko at tumakbo papunta sa akin
"Hi I'm Kienlynne Perez, but you can call me Kelly, no need to tell your name cause I know you sikat ka na sa buong school" sabi nya, hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sinabi nya na sikat na ako sa buong school ng dahil sa bwiset na Jazz na yun o matatawa kasi ang daldal pala nya
"If you're one of those girls na may gusto kay Jazz o kahit na sino sa Kings at gusto lang akong i back stab, pls wag" halata yung gulat sa muka ni Kelly ng sabihin ko yun
"No no no it's not like that, I just want to be your friend. Bago lang ako dito sa OU. Kakauwi ko lang from Korea, gulat nga ako na kapapasok ko lang may issue na agad akong malalaman. I don't even know the Kings, really I just want to be your friend kasi alam ko yun ang need mo after all those words na narinig mo" sagot nya at nagpacute pa
"The truth is wala akong pake sa sinasabi nila, alam kong wala akong ginagawang masaya so kailangan ko lang maging malakas para harapin lahat. Also ilang months nalang patapos na din ang school year babalik na lahat sa normal" sagot ko sa kanya at ngumiti
"What a strong girl, but still I want to be your friend" masungit na sabi nya
"Fine, but I really have to go may klase ako, bye Kelly" Tipid kong sagot at tumuloy na sa room
Pag dating ko sa classroom ay kitang kita yung mga masasamang tingin sakin ng mga kaklase kong babae, si Mia at Sofie naman mga kaibigan ko parin, walang nagbago sa pakikitungo nila pero ramdam ko na piliy nalang yun, what do you expect may gusto sila sa Kings. Pag-upo ko sa upuan ko ay biglang bumukas ang pinto at pumasok na ang Kings. Hindi mawala yung galit ko ng makita ko si Jazz na nakatingin sakin na parang tuwang tuwa sa lahat ng nabigay nya saking problema
Nang makaupo na sila ay nagsalita si Kian ng pabulong sakin
"Hey I'm sorry sa nagawa ni Jazz, are you okay? I hope we are still friends" pag-uumpisa nya
"I'm fine Kian" tipid kong sagot
"If only I could help you" parang naaawa nyang sabi
"Hindi ko kailangan ng awa ng kahit na sino sa inyo, you want to help? Yes I need your help" tumingin ako sa kanya ng sinabi ko ang mga katagang iyan
"Anything" agad nyang sagot
"Leave me alone, yun ang magiging tulong nyo sa akin, lumayo nalang kayo pls." Seryoso kong sabi at tumingin na ulit sa harap sakto namang magsasalita pa sana sya at dumating na si Sir Leo.
Nang matapos na ang klase at umalis na si Sir agad ko namang inayos yung gamit ko. Halos lahat na ng mga kaklase ko ay nakalabas maliban sakin, sa ibang kaklase kong nerd sa mga ulupong. Habang nag-aayos ako ay may bumato sa akin ng papel pag lingon ko at si Jazz pala
"Hey you come to the secret room later ituro mo sakin yung physics. Wag mo akong pag hintayin" sabi nya na akala mo boss ko sya, hindi nakinig kinig tapos magpapaturo, anong klaseng estudyante yun
Hindi na ako sumagot at lumabas na ng classroom. Kailangan ko muna ng sariwang hangin, nakakastress ka Jazz, sobraaaa.
Nagpunta nalang ako sa favorite place ko sa school, which is the garden. Wala kasing masyadong pumupunta dito kaya matatahimik buhay ko kahit saglit. Hindi mawala sa isip ko yung bwiset ko sa Jazz Dexter na yun. Sa sobrang bwiset ko at dahil si Jazz ang naiisip ko hindi ko namalayan na nalagyan ko na pala ng sungay si bebe Gin. Nag-iisip ko kung pupunta ba ako mamaya para turuan si Jazz o hindi nalang ng biglang may tumunog yung phone ko dahil may nag text
From: 09056******
Don't be late 3:00 go to the office susunduin ka ni Frank dun
Nyenyenye manigas ka Jazz Dexter Oxford. Mabulunan ka sana sa kakainin mo mamayang lunch akala mo lahat mapapasunod mo, kung pwede lang isampal sa pagmumuka mo yung mga salitang "hoy Jazz Dexter ako si Shin Kleo Rodrigez and nag-iisang anak ni Levi Rodrigez at Madison Rodrigez" kaso ayokong sirain lahat ng pagtatagong toh, tapos dahil sa bwiset na Jazz na yan maibubulgar lahat? No way highway.
Kian's POV:
"Bakit mo naman ginawa yun Jazz? Walang ginagawang masama si Shin. Kami ni Ozzy ang kusang lumapit sa kanya" sabi ko kay Jazz
"Trip ko anong problema mo? Kung sya lang ang magiging dahilan na mag-aaway away tayo dahil sa iisang babae gagawa ako ng paraan para lumayo sya satin." Buwelta nya sakin
That girl, there's something about her na hindi malayong lahat ng miyembro ng Kings magustuhan. Pero still I don't understand Jazz, Shin is a good person tsaka anong pake nga kung magustuhan talaga namin si Shin. I like her she's perfect.
YOU ARE READING
The Queen of The Kings
Teen FictionI just want a normal life. I just want to study and work with the job that I chose. Gusto ko lang gumawa ng sarili kong pangalan at hindi lang umasa sa pangalan na nabuo ng magulang ko. Pero mukang hindi na mangyayare yung normal na buhay na ninanai...