Shin's POV:
Ang aga aga nag-uutos si Ma'am sungit tss favorite talaga ako nun. Now I'm on my way to the office para kunin yung naiwang papers daw ni Ma'am Steph sa table nya. Bata pa naman sya pero makakalimutin na sa gamit
Kumatok muna ako bago pumasok "goodmorning teachers, may kukunin lang po ako sa table ni Ma'am Steph" agad ko namang kinuha lahat ng pinapakuha ni Ma'am kasi nakakahiya din dito puro teacher
Nagpaalam na muna ako sa mga teachera bago ko bukasan ang pinto at bumalik sa room namin para ibigay na kay Ma'am yung papers. Saktong pag balik ko ay tapos na ang klase, nakakainis hindi ako nakahabol sa pagtuturo, hingin ko nalang notes ni Mia self study nalang.
Bago pa mag ring ang bell ay pumasok si dean sa room at binati naman namin sya agad, medyo nakakatakot sya as in kasi matanda na tapos ang sungit sungit.
"Goodmorning STEM 12- A, I'm here to make an announcement that starting tomorrow may pito kayong bagong kaklase" pagkatapos nyang sabihin yun ay agad din naman syang umalis. Ayy attitude si Dean
Sino naman kaya sila, tsaka bakit ngayon pang last sem? Galing kayang ibang school, siguro ang lakas nila sa school na toh para makalipat pa sila ng last sem tapos sa STEM pa.
Wala naman akong pake basta hindi sila manggugulo sa buhay ng section na toh magiging ayos kami. Nakinig lang ako ng nakinig sa mga susunod na subject, hindi na rin ako nag miryenda dahil wala akong gana, masyado ata akong nabinat kahapon mas sumama pa pakiramdam ko, ayokong sabihin kay mama at papa mag-aalala lang yun para pa akong babagsak anytime kanina nga nung inutusan ako ni Ma'am parang gumegewang paglalakad ko, nahihilo ako na ewan. Kaya dumukdok nalang ako sa may mesa ko at hinintay yung next subject.
* bell rings *
"Shin sabay ka samin? Kakain kami sa labas" pag aya ni Mia sakin
"Next time nalang Mia sa cafeteria nalang ako, ingat kayo" I smiled, gusto ko naman talagang sumama kaso wala talaga sa kundisyon yung katawan ko na lumabas pa ng campus magpapahinga nalang ako sa cafeteria
While I'm on my way to the cafeteria hindi na talaga kinaya ng katawan ko ay bigla nalang akong nawalan ng malay, ang alam ko nalang ay may bumuhat sa akin. Susunod ko nalang na nakita ay yung kisame ng clinic. Nagtataka parin ako kung sino yung bumuhat sakin kanina
"Hey wait a second Shin, wag ka munang mag gagalaw hindi ka pa ayos" sabi ng isang pamilyar na boses. Still hindi ko pa makita yung muka nya kasi ang bigat bigat parin ng talukap ng mata ko
"Magpahinga ka lang you don't have to push yourself so hard" now I'm able to see you this kind man is.
"K-kian? What am I doing here?" nanghihinang sagot ko
"Kanina nakita kita sa hallway, lalapitan sana kita kaso nakita ko na nakasapo sapo ka na sa ulo mo and then bumagsak ka nalang bigla that's why binuhat kita tapos dinala dito sa clinic, sabi ng nurse mataas daw lagnat mo. We tried to look for your parents number pero naka lock phone mo kaya hinintay nalang namin na magising ka nalang" sagot nya sa may napaka lambing na boses
"No need, I'm okay kaya ko na sarili ko. Thank you pala" nahihiyang sabi ko sa kanya
"Na excuse ka na ni ate nurse sa lahat ng klase mo today, kung ayaw mong tawagan natin parents mo ihahatid nalang kita sa inyo" he said
"Hindi na kailangan Kian kaya ko naman, tsaka..." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla bigla nalang syang nagsalita
"Hindi ko naman tinatanong kung okay lang ba sayo na ihatid kita kaya hindi ko kailangan ng sagot mo. Besides may utang ka sakin, ako nagbuhat sayo papunta dito bigat mo kaya, so susunod ka sakin" luh mala boss pala talaga ang Kings
Hindi na ako nakapag salita dahil binuhat na ni Kian yung bag ko at nagpaalam na kay ate nurse ako naman sumunod nalang sa kanya. Pinagsakay nya ako sa sasakyan nya at bigla syang nagsalita "so saan ka nakatira?"
Tinuro ko naman sa kanya yung daan agad din akong nakarating sa condo
"Thank you sa paghatid Kian. Ahmm gusto mo ng juice akyat ka muna kaya sa condo" pagyaya ko sa kanya kasi nahihiya ako na sa lahat ng abalang nabigay ko sa kanya juice lang maibibigay ko , grabe ka talaga Shin Kleo nakakahiya
"Hindi na may practice din kasi kami eh, magpagaling ka ha, see you tomorrow Shin" he's so handsome talaga lalo na pag ngumingiti sya
Umakyat na ako sa condo at nagpalit muna ng damit bago mahiga sa kama. Ito namang si baby Cookie nakasiksik ng nakasiksik sakin nag-aalala din sya siguro. Nakatulog ako maghapon at nagising lang ng may kumatok sa pinto ko
Pagbukas ko ng pinto ay bigla bigla nalang pumasok si Mia na hindi nanamn mawala yung kaingayan
"Hoy sis, ano yung bali balita na binuhat ka daw ni Fafa Kian kanina? Inggit akooo" Sabi ni Mia
"Anong nakakainggit dun? Gusto mo magkasakit? Nagkataon lang talaga na si Kian yung nandun nung nahimatay ako, tsaka nagkataon labg din na mabait sya para mas piliing buhatin ako at ipunta sa clinic nung nakita nyang akong nahimatay" sagot ko sa tanong ni Mia na halatang halata yung pagkainggit sa mata, ano bang meron at inlove na inlove sila sa Kings, tao lang din naman sila.
Ang totoo nakikain lang si Mia at umalis din agad, iniwan naman nya lahat ng notes nya, madali lang daw lahat ng topic. Kumain at uminom na ako ng gamot bago muling mahiga sa kama. Nag facebook nalang ako at nagulat ng makita ko sa friend request si Kian
2926 friend requests
Kian Xavier Del Valle sent you a friend request
Accept Decline
Syempre inaccept ko mabait naman sya eh.
Wala pang 10 mins ang nakakalipas biglang may nagchat
Kian Xavier Del Valle: okay ka na?
You: agad agad? Pero medyo okay na thank you ulit
Kian Xavier Del Valle: good to know na medyo okay na, see you tomorrow Shin KleoNice sya yung unang tumawag sakin ng Shin Kleo sa buong school year na toh, kahit kasi sila Mia, Shin lang ang tawag sakin pero si Kian, talagang Shin Kleo ewan ko kung nang-aasar na medyo pang lalaki name ko o trip lang nya. Pero okay lang naman ah buti nga hindi pampabebe name ko eh.
YOU ARE READING
The Queen of The Kings
Teen FictionI just want a normal life. I just want to study and work with the job that I chose. Gusto ko lang gumawa ng sarili kong pangalan at hindi lang umasa sa pangalan na nabuo ng magulang ko. Pero mukang hindi na mangyayare yung normal na buhay na ninanai...