Chapter 15

8 0 0
                                    

Healing is really messy. You thought you are over it but it hits you again and you're back to square one.

Surprisingly, ilang oras lang umiyak si Lia matapos maihatid ni Peter. Kahit na nalulungkot ito parang nasanay na sya sa emosyon and she was able to compose herself. It has been 6 days after that, she flew to manila for official business.

Palabas ito ng airport. Malayo pa sya ngunit tanaw na nya ang patalon talon na si Babi.

"LIAAAAAAA!"

Fck, Babi. She cursed silently. She rolled her eyes ng makalapit sya at nang yumakap ito sa kanya.

"Anim na araw lang ako nawala, Bab. Ang OA mo kamo!"

"e sa na miss kita eh. Hindi ko naman kasi nakakasama si Kelly dahil busy masyado sa restaurant, pag-aaral at sa professor nya hihi"

"Ikaw talaga." Iling iling na sagot nito. Tinulungan sya ni Babi sa konting gamit nya at sumakay na ng sasakyan.

"Totoo nga. Hindi mo kasi nakita kung gaano nya tratuhin si Kelly e. Tumambay ka kaya sa resto nila dahil palagi iyon doon." Sagot nito at ini-start ang sasakyan.

"Pero bawal ang student-teacher relationship. Hindi papasok si Kelly sa ganyang kumplikadong relasyon. Isa pa baka may asawa yun at ma mistress pa sya."

"Wala no. Bata pa iyong professor nya, magkasing edad lang sila ni Leevi kaya nga rin nag click sila ni Kelly."

"Talaga? e pwede pala sila." Natatawang sagot ni Lia. Kawawa na naman si Kelly dahil nakahanap ng kakampi si Babi. "Daan muna tayo sa resto nila. Gutom na rin ako."

"Ginagawa mo na akong driver ha."

"Magandang driver ka naman." Babi flipped her hair sa puri ng kaibigan.



Natigilan ang dalawa sa pagpasok ng restaurant nang makita ang mukha ni Peter at Leevi na may kasamang dalawang magandang babae. Nagkatitigan ang apat na pares ng mata bago napukaw ang pansin nina Lia ng receptionist.

"May reservation po ba kayo mam?"

"Uh. No."

"Ay mam Lia, kayo po pala... dito po." Sumunod ang dalawa sa tauhan nila Kelly. Mabilis naman silang binigyan ng menu book at tahimik lang na nag order.

"Ikaw ang nag aya dito."

"Malay ko naman."

"Diba sinabi na ni Kelly na madalas sila dito."

"Hindi ko naman in-expect. Baka may araw din namang hindi sila napunta dito at baka ito kako ang araw na yun.. Isa pa ikaw din nag sabi na tumambay dito minsan diba?"

"I meant on weekends. Kasi may klase iyong tao tuwing weekdays at nandon din si Kelly sa school kaya wala syang mapapala dito."

Napanguso na lamang si Lia at pilit na pinigilan ang sariling tignan kung nasaan ang dating kasintahan. Nasa bandang kaliwa nya ang mga ito nakapwesto at nasa kanan naman ni Babi dahil magkaharap ang dalawa. Naging masama na ang kanilang mood habang kumakain ng tanghalian.

"Ano na ginagawa nila?"

"Ewan ko." Sagot ni Lia at sumubo ng kain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To The One I LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon