Chapter 6

4 0 0
                                    

Monday came and Lia seems uneasy. She will be the new Head of Department now, the position that sir Johansen once had.


[Good Luck, Lia. Kaya mo yan!! I met your family and gave them your pasalubongs. Kuya Leevi has been giving hots to Babi, iyong bruha naman ay gustong-gusto ding nilalandi. Maganda daw kasi sya kaya hindi naiiwasan iyon, nag timpi akong wag syang sabunutan pero hindi ko nagawa hahahahaha but she promised not to hook up your brother. I miss you na agad beh. Take care of yourself. love youuu.]

Natatawa si Lia habang binabasa ang message ni Kelly sa messenger, she is on her way to Bookmark. Tumawag nga ang mama nya sa kanya kagabi congratulating her once again at sinabing sana ay umuwi din ito kahit na walang promotion. Ikiniwento din sa kanya na maganda at mabait si Babi.

Matapos mag reply kay Kelly ay binasa naman nya ang message ni Babi.

[Liaaaaaaaa!! My God, papatayin yata ako ni Kelly. It's not my fault naman kasi kung pinanganak akong pretty eh. I met your lovely family and sorry to say this but your brother is into me, ya know I don't mind guys who are older as long hindi 8 years above ang gap. Ikaw ha! hindi mo sinabing may brother ka na hottie, shock tuloy ang dyosa mong bff. Anyways pagsabihan mo nga si Kelly. I love you I miss you mwaaah mwaaah. Good luck today.]

Napailing nalang si Lia dahil na iimagine nya ang pag-aaway ng dalawa. Parang naririnig nya pa sa sarili nyang tenga ang mga boses at dahil doon ay parang naingayan ito.

Tatlo silang magkakapatid, nag-iisang babae at bunso siya. Babaero ang Kuya nyang si Leevi Anthony kaya hindi na ito nagtaka kung papatulan nga nya si Babi, isa pa't maganda ang kaibigan. Ang kuya nyang si Leonel ang panganay na isang engineer sa kumpanya na pinamamahalan ng tito nila.

"Good morning, sir Darrell." bati ng dalaga nang madatnan ang boss na naghihintay sa pagbukas ng elevator.

"Good morning, miss Guano." balik na bati ng binata. "Are you okay? How are you feeling? Have you got enough rest? Are you ready?"

Natawa ang dalaga sa sunod-sunod na tanong ni sir Darrell. "I'm fine. Just a little nervous."



"Good morning, ma'am." Bati ng mga kakarating na mga new hired.

"Welcome to Bookmark Company." Magiliw na welcome ng dalaga. "I'm Lia Carmela Guano and I'm Asian, a Filipino. May pinoy ba dito?"

"Ako po." Sagot sigaw nang isang lalakeng nasa likod na ikinatuwa ni Lia. Lima sila lahat- mga papalit sa dating kasamahan. Tatlong lalake at dalawang babae.

"You'll have new alien friend, Lia. Congratulations!" Nilingon ng dalaga si Honey ng may ngiti at nag kibit balikat. Nasa gilid ang mga dating kasamahan at kaharap ng dalaga ang mga bagong empleyado.

"Mabuti naman. May pag tsitsismisan tayo." sabay tawa pa nya. "Ano pala pangalan mo?"

"Daniel po ma'am."

She nodded and welcomed Daniel again. Pinakilala din nya ang mga dating katrabaho.

To The One I LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon