Chapter 11

6 0 0
                                    

Maaga si Lia nagising at agad naligo bago bumaba. Stripe na itim at puti ang suot nito at nag short lamang. Hinanap agad nya ang kanyang mommy pagkababa ng unang palapag. Nakita nito si nana Amy na nagwawalis sa harapan ng mansyon, pinuntahan nya ito at tinawag ang pansin.

"Nakita nyo po ba si mommy, nana Amy?"

"kasama ng daddy mo, hija."

"Bakit mo hinahanap?" napahawak ang dalaga sa dibdib ng mabigla sa pag sulpot ang kuya nyang si Leevi. Sinamaan muna nya ito ng tingin bago sumagot.

"Nothing. But why are you still here?"

"Pinapaalis mo ba ko?"

"I'm just wondering if you don't have business today." sagot ng dalaga

"I have and I'm about to leave." Leevi answered as he fixed his light blue oxford shirt. Tinupi nito ang sleeve hangang braso. Tumango tango ang dalaga ng makitang nakaayos nga ang kapatid.

Nag text kasi si Babi na hindi sila pupunta kapag andyan si Leevi. Hindi nya alam kung bakit, e pursigido iyon kagabe pero hindi na din nag tanong pa.


"Kasama mo si Peter?" she asked comfortably. She didn't mean anything by asking, she just wanted a conversation pero ganun na lamang ang gulat nya ng mismong si Peter ang sumagot.

"Yea."

Napakagat ng labi ang dalaga at napakurap kurap. Nakita nitong papalapit ang binata sa entrada ng kanilang mansyon kung nasaan sila. She was wondering why Peter is here this early and if he slept over because Lia clearly remembered his shirt and he is still wearing it at the moment. Napakunot ang nuo nya ng mukhang fresh pa din ito.


"An-andito ka pala." nahihiya nitong tugon. Hindi naman nya kailangang maging mindful sa sariling tahanan pero parang kailangan na nya iyon gawin dahil kahit na nasa bahay lamang ay parang tila nasa palibot lang ang dating kasintahan.


"He slept here." sagot ni Leevi matapos matupi ang suot na shirt.

"He slept here???" Lia's eyes widened.

"That's what I said."


"I thought he go---"

"He was drunk. Kaya dito na sya pinatulog ni mommy."


Mabilis tinignan ni Lia si Peter na nakatingin lamang sa kanya at agad ding umiwas. Tumango na lamang ito at hindi na nagsalita.


"We got to go Leevi."

"Ingat kayo." Mabilis nyang paalam at pumasok ng mansyon.


Nagpakawala ito ng malakas na hangin ng makarating sa kanilang kusina. Napasilip itong muli sa entrada ng mansyon upang makitang wala na doon ang dalawang lalake. Napakagat itong muli ng labi. Palagi nalang sya nahuhuli ni Peter.

She shook her head to dismiss the thought and put out her phone instead. She texted Babi that Leevi left the mansyon.

To The One I LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon