Chapter 8

10 0 0
                                    

"LIA CARMELA GUANO!!"

"hmm sandali..."

Napa poker face si Kelly nang umiba lamang ng pwesto sa pagtulog si Lia.

"Bahala ka nga. Sa baba lang kami." pagpapaalam nito at dumiritso ng kusina. Nadatnan nya si Babi na nilalantakan ang gawang cookies ni Mrs. Guano.

"Feeling close ka Babi ha." Mahinang bulong nito. Agad syang siniko ni Babi para tumahimik.

"si Lia?"

"Ayun, ayaw pang bumangon."

She must be tired. From the travel and probably from life. For many years, she finally felt at ease again; to be carefree but guarded. Pakiramdam na wala itong dapat isipin. It must be the wonders of being home and with family.

"Wow. Bahay nyo to mga ga?" Lia said sarcastically. Nagising ito bandang 10 a.m. matapos maligo, naabutan nya si Kelly at Babi na nanunuod ng TV sa sala nila. Nakapatong ang paa ni Babi sa center table habang nakahiga sa sofa seat si Kelly at parehong may kinakain.

Hindi sya pinansin ng dalawa. Ni tignan ito ay hindi ginawa. Lumapit si Lia at naupo sa pang isahang upuan. Ilang minuto nyang tinignan ang dalawa pero talagang inignora sya. She crossed her arms and give the two laser eyes.

"Aren't the gluttons digging their own grave with their teeth."

"Che!! Pasalamat ka nga hindi ka namin binulabog." Kelly got up. Sinimaan nya ng tingin si Lia. "Sabi mo sandali lang, pero tatlong oras na kaming nahintay sayo." natawa ang dalaga sa kaibigan.

"May gana pa syang mag laugh nyan ha!" Babi

"Bakit ba kayo nandito?"

"Kukunin namin ang chocolates." Babi

"oh. Ok. Tara sa taas. Hindi pa man din ako naka unpack. Tulungan nyo na ko."

The two rolled their eyes. Kukuha lang sila ng chocolates, pinahintay na nga tapos mag a-unpack pa ng gamit?! Tinawanan lamang ulit sila ni Lia.

They are most comfortable with each other. Maiinis man ay nawawala rin dahil normal na sa kanila ang magsalitaan, bangayan, o minsan ay pisikalan. Ito ay dahil mas lamang sa kanila ang pagmamahal para sa isa't isa. We can tolerate because we love.

"Ahem! Dala mo to?" itinaas ni Kelly ang nakitang journal habang nag-aayos na pagmamay-ari ng kaibigan. Ang journal kung saan nakapaloob ang damdaming hindi naisatinig. "Akala ko ba move on na?"

Tumayo si Lia mula sa kama, iniwanan ang ginagawa at lumapit kay Kelly saka naupo din sa sahig. Kinuha nito ang journal habang may tipid na ngiti at hinaplos. Binalik nya ang mga tingin sa kaibigan bago nagsalita.

"Dinala ko lang. Nothing else." Kelly's eyes remained on her as if she wasn't convinced. "Really, Kel."

"Bakit hindi mo nalang sunugin?"

"Hindi ko kaya..." pag-aamin nito. "Hindi ko nga maintindihan e. I tried burning it but part of me was aching, I felt... heartbroken. This is just a piece of papers but..." She explained. Kelly looked at her as if she knows what Lia is about to say. Nagkaintindihan na ang kanilang mga mata kaya hinayaan nalang ni Lia ang mga salita na manatili sa hangin. "I guess this journal became a part of me, it knows everything."

To The One I LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon