Chapter 7

7 0 0
                                    


Time flies fast.

Lia had seriously taken it one day at a time. She sure remembered him from time to time but it's understandable. Moving on doesn't take a day. We can't tell our heart to adjust abruptly.

Hindi naging madali ang mga naunang araw pa, gaya nga ng naging addiction ni Lia ang pagsusulat ay na f-frustrate pa rin ito pero determinado syang itigil na kaya sumulat ito ng huling mensahe. Naisip nyang maghanap nang magagawa gaya nang baking. Marunong siyang magluto pero hindi mag bake at ginawa nya rin ito para may magawa kasama ang mga kaibigan na halos dalawang buwan din nyang hindi naka-usap dahil sa pagmumukmok, nagpapaturo sya kay Babi through video calling. Lumipas ang mga araw at naisipan din netong mag gym. Magbasa pa ng mga libro at pag revise sa kanyang pangalawang e pupublish na novel. Napapadalas din ang pagpunta nya ng bar tuwing weekend kasama ang mga empleyado at dinner naman kasama si sir Johansen.

"I envy you girl." Naka pout na pag amin ni Babi. Nag video call ngayon ang tatlo habang nasa bar si Lia.

"Napapadalas ka nang mag clubbing wala naman kami dyan." Kelly.

"Sus, niyayaya kita pero ang manang mo ever." Babi.

"Paano pag ikaw kasama ko sa club halos lahat ng lalaki lalandiin mo kahit nga iyong may asawa." Kelly.

"Hindi ko nga kasi fault kung pretty ako. Inggit ka lang e palibhasa walang napatol sayo."

"Papatayin ko na to ha? Mag away muna kayo dyan. Ayokong maging witness sakaling may mamatay sa inyong dalawa."

"To naman, joke lang namin iyon bes. Mahal ko naman si manang Kelly." Umaktong nasusuka si Kelly sa narinig. Natawa nalang si Lia, wala pa ring pinagbago ang dalawa.

"How do you guys doing there anyway? Any news to share?"

"What news? Well, Lia girl the world is not flat. Anong gusto mo marinig? Economics? Politics? Poverty? o tungkol sa mahal mong ex? Magtanong kalang dahil sasagutin namin ng buong katotohanan."

"The heck, don't start Kelly. Nag momove on na nga ako."

"Maniwala naman kami."

"Totoo nga!"

"Tagal na nyan Lia ha. You can't fool us anymore. Ako nga hindi nakaabot sa 3 months ang pag momove on kay Gavin e."

"Peke lang kasi yong sayo, Babi. Totoo iyong kay Lia at very precious. Naku! Hindi mo maiintindihan kahit ipaliwanag ko pa sayo. Tipong pang thesis ang explanation nang kay Lia. "

"what the f, Kel! Pinagtatanggol mo ba ako o ano?"

"Hayaan mo na Lia girl, hindi kasi nagka boyfriend si manang Kelly e. Bitter lang iyan, palibhasa hindi nakaranas ng pag-ibig."

"Para na tayong mga sira. Sino ba ang magkaaway at magkakampi?" natatawang puna ni Lia. "Isa pa nagtatanong lang naman ako at tungkol sa inyo. Kung ano na ginagawa nyo dyan hindi tungkol sa iba."

To The One I LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon