Chapter 5

12 0 0
                                    

Chapter Five

Lia looked at the mirror to see her bloodshot eyes, she couldn't sleep well last night crying and she woke up early today crying. Lumabas sya nang kwarto matapos maghilamos at toothbrush. Nadatnan nya si Babi na nilalagay ang mga maleta sa sala, already wearing her travel clothes while hair is still wet. Naramdaman ulit nya ang pagbabadya ng kanyang mga luha. Mabilis syang lumapit sa kaibigan at niyakap ito habang naka talikod.

"You're annoying, you're loud, and you're horny but I will miss you. I will miss your coffee, I will miss your foods, I will miss your randomness. You showed me that life is better when you are random, making me fully appreciate that YOLO." Lia sniffed, trying to stop her tears. "I will miss you Babi, so much."


"Don't... Don't be like that Lia. You are making me cry... NO, look... you made me cry." Sabay punas nang luha. Kumawala sa yakap si Babi at humarap sa kaibigan at muling niyakap ng mahigpit. "Tawag ka lagi ha. Kahit anong busy mo, wag mong kalimutang tumawag sa amin. Mamimiss din kitang bruha ka." Tumango si Lia bilang sagot.

Napatigil ang dalawa nang makitang tahimik na inaayos din ni Kelly ang mga bagahe habang naka tapis palang ng tuwalya at bagong ligo. Hindi ito nakatingin sa kanila pero halatang lumuluha din ito. Nagkatinginan si Babi at Lia bago lumapit at niyakap si Kelly.

"I will miss you, Kel. Never did I thought this day would come too soon. Ever since you decided to stay here, naka tatak na sa isip kong sabay tayong babalik ng Pilipinas, until we are ready, diba? Pero naiintindihan kita and I'm praying for tito Oscar's recovery... Hindi ko lang alam kung makakaya kong wala kayo, please visit me when you have time."

"Ikaw dapat bumisita Lia, malaki na sweldo mo." Sagot ni Babi.

Pinunasan ni Lia ang luha ni Kelly saka tumango nang naka ngiti sa dalawa. "Wag nyo akong ipagpapalit ha."

"Ikaw nga inaalala namin eh. Maiiwan ka dito, malamang sa malamang makakahanap ka ng bagong kaibigan." Sagot ni Kelly at saka naupo ang tatlo sa sala. Pinagitnaan ng dalawa si Lia. Babi and Kelly rest their head on Lia's shoulder.

"Kaibigan oo pero kapatid ko naman kayo kaya walang papalit sa inyo."

Minsan sa buhay makakatagpo tayo ng mga taong tunay ang hangarin, mga taong matatawag mong pang habang-buhay, mga kaibigang naging kapatid na hindi dugo ang basehan.

"Thank you, Lia... for understanding me... for supporting me with my decision." Humihikbing pasasalamat ni Kelly sa matalik na kaibigan. Sa totoo lamang ay hindi pa ito handa bumalik ng Pilipinas ngunit kailangan. And with her best friend's tolerant with her unsure decision and support, she somehow felt relieve that everything will turn out just fine.

Hindi lahat siniswerte sa kaibigan, kaya sawi man sa pag-ibig, nagagalak pa din ang puso ni Lia dahil biniyayaan sya ng tunay na kaibigan.

Ngayong araw ang alis ni Kelly at Babi papuntang Pilipinas. Hinagpis ang puso niya ngunit naiintindihan nito ang disisyon ng kaibigan at hangad ang paggaling ni tito Oscar, ang ama ni Kelly. Sumang-ayon din ang dalaga ng ninais ni Babi ang sumama. Muli, ay inintindi niya ang kagustuhan ni Babi dahil matagal na nga nito gustong manirahan sa Pilipinas.

Si Babi ay kalahating pilipino. Dito ipinanganak pero tumira rin ng Pilipinas ng tatlong taon noong apat na taong gulang sya at dito na lumaki kaya banyaga para sa kanya ang sariling bansa. Ngayon ay nabigyan sya ng pagkakataon upang manirahan muli, ipagkakait pa ba ni Lia?

"Kinakabahan ako."

"Don't worry, manang Kelly. Hindi ka naman nag-iisa, ako bahala."

To The One I LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon