Chapter 2

16 0 0
                                    

CHAPTER TWO




"Anong oras ba daw dating ni Peter? Text mo na nga."

"Malapit na siguro yon. Alam mo namang ayokong gumagamit sya ng phone kapag nag da-drive."


Hinihintay ng dalawa si Peter para sunduin sila. Nauna kasi itong umuwi ng probinsya isang araw matapos ang Graduation Ceremony kasabay ang kanilang pamilya. Naiwan sila ni Kelly dahil umattend sila ng kanilang farewell party kahapon.


"Girl, anong oras na o! Kanina pang 6 a.m. umalis yon diba? Dapat nandito na sya bandang 10 a.m. pero mag aala-una na."


Lia bit her lower lip as nervousness is eating her. Kanina pa din naman sya nag aalala pero hindi nya lang isinasatinig. Nang biglang tumunog ang phone nyang nagpapahiwatig na mayroong tumatawag ay awtomatikong napatingin doon ang dalawa.


"He-Hello? Mommy?"

"Anak... umuwi na kayo ni Kelly..."

"Opo mommy. Hinihintay lang namin si Peter."

"Wag nyo na syang hintayin. Andito kaming ospital. Kaya nyo ba ni Kelly bumyahe na kayo lang?"

"A-ano po mommy? Bakit... bakit kayo nasa ospital? Ano ginagawa nyo jan?" napatakip ng bibig si Kelly ng marinig ang kaibigan. Pati ito ay kinabahan ng marinig ang salitang ospital.

"U-umuwi na muna kayo dito."

"Mom..." hindi na napigilan ni Lia ang humikbi dahil sa kabang nararamdaman. Marami ang tumatakbo sa isip nya pero ayaw nyang bigyang pansin. "Please... tell me."

Rinig mula sa kabilang linya ang pag buntong hininga ng ina ni Lia. "Lia anak kasi... naaksidente si Peter."

"P-po??"


Pilit iniintindi ni Lia ang mga sinasabi ng kanyang ina. Iyak ito ng iyak at halos hindi mapakaling makita ang kasintahan.

Habang nasa intersection si Peter ay nabangga ang sasakyan nito sa isang truck mula sa kanang bahagi ng kalsada na mabilis ang pagmamanehong tila hindi alintana ang naka stop light na.


"Lia, sandali! Calm down please. Susunduin naman daw tayo ng daddy mo."

"I can't wait for 4 hours and another 4 hours of travelling from here, Kelly. I badly want to see Peter now... badly! Please..."

"For safety reason. Let's just wait." Naluluha ring pagpigil ni Kelly sa kaibigan.


Kung hahayaan nya si Lia ay baka kung mapano sila sa daan dahil kahit sya parang hindi makapag-isip ng tama sa kadahilanang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

Sabay napatingin ang dalawa ng marinig ang pagkatok mula sa pinto ng apartment nila. Si Kelly ang nagbukas nun at bumungad sa kanya si Ully.


"U-Ully?? Bakit ka nandito?" For a moment, Kelly's heart beat faster and giddied but instantly fade upon remembering the current situation.

"I... I heared what happened to Peter. Nandito ako para isabay kayo sa pag uwi." mabilis tumayo si Lia at pumunta ng pintuan para makita ang kaibigan ni Peter.

To The One I LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon