Chapter Four
Our eyes met. Maru smiled and gave me a small wave. I composed myself and walked towards him.
"Hi." I cheekily said.
"Hey,"
I narrowed my eyes at him. "Is this a coincidence?"
He chuckled. "Actually, no. I was wondering if I could asked you out?"
I pouted. "Bakit naman ngayon? Kung kelan hindi ako handa?"
Pinasadahan nya ako ng tingin. Bigla tuloy akong na-concious sa itsura ko. I'm wearing a peach sleeveless top tucked in with my black pencil cut skirt.
"It's okay, Vani. You looked good compared to me."
Kung sa bagay, naka-suot lang sya ng white hoodie at isang cargo shorts. Naka tsinelas nga lang din sya, pero ang unfair, ang gwapo nya pa din kasing tignan.
"So? Tinext mo sana ako."
"I was about to, pero hindi ko alam kung paano."
Napatawa ako. "Silly."
"I'm sorry, then."
Nilahad ko iyong kamay ko sa kanya, kunot noo nyang tinignan iyon.
"Phone mo, lalagay ko number ko."
He licked his lips. "No need. Hiningi ko na kay Chester."
Kumurap kurap ako. Ano daw? Shems, totoo ba?
"Tunay ba?"
Pinakita nya sa akin ang screen ng phone nya at nakita ko nga doon iyong number ko.
I shifted on my feet. "What can I do for you then, Attorney?"
"Wanna go grab some dinner?"
"Dinner lang? Charot." Pinigilan ko nang mapangisi talaga. "Halika na."
Pinatunog nya ang sasakyan at pinagbuksan pa ako ng pinto. Okay, likas lang talaga sa kanya ang pagiging gentleman.
We stopped by a not so famous restaurant. Kaso, papasara na daw iyon.
"Ahm, hanap nalang tayong iba." Hinawakan ko na sya sa braso.
Iniisip ko kung saan pa may bukas na restaurant ngayong oras. Pero mabilis na nahagip ko iyong pares stall sa gilid. Huminto ako at bilang hawak ko sya sa braso ay napahinto din sya.
"Kumakain ka ng pares?" Tanong ko.
"My to go food after recit." Sagot nya. "Gusto mo magpares nalang tayo?"
Sunod sunod akong tumango sa kanya. He smiled and slightly pulled me near the pares stall. Hindi ako bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso nya, at hindi din naman nya inaalis kaya samantalahin na.
"Dalawa pong order." Aniya.
"May kanin, sir?"
Bumaling sya sa akin kaya tumango ako.
Bumitaw lang ako sa kanya noong nilapag na sa harapan namin iyong pares at fried rice. Ngayon ko lang din naramdaman uli iyong gutom ko. Nabusog kasi ako kanina noong nakita ko si Maru, charing!
Nakatayo kami sa gilid habang pinupunasan nya ang utensils at binigay sa akin.
"How's school?" I started.
"It was hell. Finals na kaya sasabog na ang ulo ko."
"Buti naisipan mo magbreak saglit?"
"Uh, yeah. And you've been occupying my mind since our last encounter."
BINABASA MO ANG
French Vanilla (Coffee Series)
RomanceSimpleng buhay. Iyon lang ang gusto ni Vanilla habang lumalaki sya. Hindi man nakatapos katulad ng kakambal nya pero nagsumikap naman para makatulong kahit papaano. Habang papalaki, ninais nya din na makahanap na ng taong makakasama nya habang buhay...