Chapter Eleven
Umangat ang isang kilay ni Maru sa akin, like he was interrogating me on a crime that I committed. Napainom tuloy ako ng tubig dahil sa paninitig nya.
"Uh.."
"Bukod sa pagpopromo girl, ano pang raket mo?"
"Huh? Paano?"
"I saw you one time on the grocery. You were so busy, that time pupuntahan sana kita sa opisina mo para ayain mag lunch pero wala ka dun."
Kumurap kurap ako. "Sorry. Nahihiya kasi ako sayo."
Kumunot ang noo nya. "What? Bakit?"
"Wala akong matinong trabaho kasi."
"At dahil lang doon? What's wrong with your work?"
"Ayokong ma-judge."
Umayos sya ng pagkakaupo. Ngumiwi ako.
"That's plain bullshit, Vanilla."
"Sorry na nga. I was actually planning to tell you this but I know that you're busy."
He narrowed his eyes on me.
"As long as your earning your money, it's definitely not a problem okay?"
"I'm sorry. Masyadong akong nanliit knowing na Attorney ka na."
"And so? I wouldn't be here without your cheerful words."
I pursed my lips.
"I'm really sorry for not telling you about this."
"You should, I want to know everything about you, Vanilla. Boyfriend mo ako."
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.
"Was that your pride talking? Cut it. Ayokong marining na nahihiya ka sakin dahil sa mga trabaho mo." Aniya. "As long as wala kang tinatapakang tao, you can do whatever you want. But.."
Pumikit sya ng mariin.
"Dapat bang hindi ko na sinabi sayo na nakita ko girlfriend mo dito?" Ani ng isa sa mga lalaki sa harapan namin.
Doon ko lang din halos naalala na may iba pa nga pala kaming kasama dito sa table. Godness Vanilla! Ang drama mo!
"Dapat lang talaga." Sabi bigla ni Maru. "Kung wala ako dito, malamang kung ano na ginawa ng mga hayop na yun kay Vanilla."
I pursed my lips once again to stop myself from smiling.
"Vani!"
Napapitlag ako sa biglang pagtawag sa akin. I saw Sky.
"Huy! Maraming tao! Halika na."
Mabilis na dumako ang tingin ko kay Maru. Suplado na yung tingin nya sa akin at sinilip si Sky sa gilid ko.
"Uh,"
"Hindi na sya magtatrabaho."
"Maru! Kailangan ko to, tatapusin ko lang."
"Hindi. Mababastos ka na naman."
Binalingan nya si Sky. "Magkano araw ni Vanilla? Babayaran ko."
Napasinghap si Sky sa supladong tono ng boses ni Maru. Pinigilan ko namang kunin ni Maru ang wallet nya sa bulsa nya.
"Maru,"
He sighed. "Dito ka nalang. I'll pay for your work then."
Umiling ako. "Tatapusin ko lang. Mag iingat na ako."
Tinitigan nya ako bago tumango na mukhang labag pa sa loob nya.
"I'll be watching you then."
"Thank you,"
BINABASA MO ANG
French Vanilla (Coffee Series)
RomantizmSimpleng buhay. Iyon lang ang gusto ni Vanilla habang lumalaki sya. Hindi man nakatapos katulad ng kakambal nya pero nagsumikap naman para makatulong kahit papaano. Habang papalaki, ninais nya din na makahanap na ng taong makakasama nya habang buhay...