Chapter Fifteen

460 18 0
                                    

Chapter Fifteen

I smirked and flashed my left hand infront of Cheska. Nanlaki ang mata nya nang may napansin. Ang bilis nyang hinila iyong buhok ko.

"Oh my god ka!" Tumili sya. "For real? O baka promise ring lang?"

"For real na."

"Di nga??? Shit, sana all!" Pinagmasdan nya pa iyong singsing. "Dati parang namomoblema ka pa kung interesado ba sayo si Maru o hindi. Pero shit, nagpropose sya sayo!?"

I giggled.

"Well," pinagpagan ko pa ang balikat ko.

"Pero teka, Vanilla! Hindi ba parang ang bilis? Ilang buwan palang ba kayo?"

"Five months. Pero almost two months kaming dating."

"Hindi ka ba nabibilisan? I mean, all of the sudden, biglang nagpropose si Maru?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi naman na dun nasusukat ang tibay ng relasyon diba? Tiwala, oras, at pagmamahal dapat diba?"

"You fully trust Maru?"

"Ano bang point mo dito, Cheska?"

She sighed. "Ang akin lang, baka naman nadadala lang kayo ng bugso. Or baka buntis ka!"

"I'm on pills."

"Napag isipan mo ba to? I'm just concern. Last time na naramdaman mo to, kay Larry pa. Like pinaramdam nya na papakasalan ka nya pero nauwi sa wala diba?"

Sumandal ako sa upuan at hinipo ang singsing.

"I can feel his sincerity, Cheska." Sabi ko. "Nabibilisan, oo. Pero we can work things out naman while being married diba?"

"You know naman na I'll support you whatever it takes diba?" Niyakap nya ako sa tagiliran. "Kelan mo sasabihin kina Mama?"

"Naghahanap pa ako ng tiyempo."

"Pero alam nila na may boyfriend ka?" Umiling ako kaya nakatanggap ako ng sabunot. "Gaga ka! Baka atakihin si Papa sa puso!"

"Sasabihin pero baka sa off ko na. Uuwi ako sa atin."

"Samahan kita."

"You should. You oftenly visit them." I narrowed my eyes on her. "May tinatago ka, Frencheska?"

Natigilan sya pero kalaunan ay umirap.

"Luh? Ano naman?"

"Boyfriend?"

"Wala sa plano."

"Weh? Kambal tayo ha."

"I'll cook. What do you want?" Pag iiba nya ng usapan. "Anyway, ayaw mo ba talagang lumipat nalang dito para di ka hassle sa pagbabayad ng upa?"

"Pag isipan ko pa muna."

"Huwag kayong mag alala, bibigyan ko naman kayo ng privacy ni Maru."

Hindi ako sumagot sa sinabi nya at sinilip lang ang cellphone ko. Wala pa din kasing text si Maru simula noong kaninang nag paalam sya sa hearing.

From that day, Maru went really busy. Wala namang problema kasi busy din ako. Minsanan nalang kapag ihahatid nya ako sa trabaho at swertihan nalang kapag nasusundo nya ako.

Sabi ko naman sa kanya, ayos lang na huwag na pero nagpupumilit kasi sya. At marupok tayo, kaya go lang.

Noong off ko, napagdesisyunan naming umuwi sa bahay ngayon para formal na ipaalam kina Mama at Papa na engaged na kami. Di na muna namin pinaalam kina Mama, para bang surprise nalang. Mauuna na si Cheska doon dahil mag eearly out daw sya.

French Vanilla (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon