Chapter Twelve
Maru:
I'm outside.Mabilis akong napatayo nang mabasa ko iyong text ni Maru. Napatingin sa akin si Mama at Papa na nagtataka.
"Ano iyon, Vanilla?" Si Papa.
"Ah,"
Tapos na din naman ako kumain kaya nagpaalam na ako sa mga magulang ko.
"Alis na po ako."
"Mag iingat ka!"
Tumango ako at lumabas na. Nakita ko sa gilid iyong sasakyan ni Maru. Lumapit ako doon at sumakay sa passenger seat. I reaced for him to kissed him on his lips. Sinalo nya ako at hinalikan din.
"How's work?" I asked.
"Good. You ate dinner already?"
"Oo, nag aya si Mama kasi. Ikaw ba?" I playfully played with his hair. "Do you want me to be your meal?"
Dumilim ang tingin nya sa akin.
"Hindi pa ako kumakain, Vanilla." Humigpit iyong hawak nya sa baywang ko.
"Gusto mo ba?" Mahina kong bulong.
"Don't be a tease."
Tumawa ako at lumayo na sa kanya. Suplado nyang pinaandar ang sasakyan. Pinadaan ko sya sa drive thru at sinubuan habang nagmamaneho sya pauwi sa bahay.
I purse my lips. Niliko nya ang sasakyan sa kanto papasok sa apartment. Ang bilis naman!
"Tomorrow evening. I'll pick you up for the party." Aniya.
"Oh! Okay,"
Inabot nya ang kamay ko. "Nervous?"
"Nandun magulang mo?"
"Probabbly, yes. You'll meet them."
Tumango ako.
Huminto na sya sa tapat ng apartment. Kinalas ko naman ang seatbelt ko at humarap na sa kanya.
"Ingat pag dadrive."
"I will. See you tomorrow." He reached for my lips.
"Ahm. May raket pala akong isa bukas."
Mabilis na nagsalubong ang kilay nya.
"What product?"
"Sa sim cards lang. Uhm, half day lang naman, tapos diretso ako sa opisina bukas."
"Clothes?"
"Polo shirt and slacks."
Tumango na sya at hinalikan uli ako. I smiled and pulled away. Pinunasan ko pa ang labi nya bago bumaba ng sasakyan.
KANINA ko pa paulit ulit chine-check ang suot ko. Pinadala ni Maru kaninang umaga dito sa bahay. Aniya'y terno pa daw kami. It is a puff longsleeve dress. Fit na fit nga sa akin kaya nagustuhan ko. I paired it with a heels.
Wala naman akong masyadong ginawa sa opisina kaya umuwi agad ako para makapag ayos at nakakahiya dahil haharap ako sa magulang ni Maru. Kailangan magmukha naman akong presentable kahit konti.
Nakapagtext na si Maru na papunta na daw sya para sunduin ako kahit sabi ko na magtataxi nalang ako since party nya iyon. Pero hindi sya pumayag kaya hinihintay ko nalang sya.
Pinasadahan ko uli ng tingin ang sarili ko sa salamin bago ko narinig ang busina ni Maru sa labas. I immediately grabbed my purse and unplug everything.
Nakatayo na sya at naghihintay sa akin. Dinoble ko ang lock ng bahay bago lumapit sa kanya. I wrapped my arms on his.
"Hi." I whispered.

BINABASA MO ANG
French Vanilla (Coffee Series)
Storie d'amoreSimpleng buhay. Iyon lang ang gusto ni Vanilla habang lumalaki sya. Hindi man nakatapos katulad ng kakambal nya pero nagsumikap naman para makatulong kahit papaano. Habang papalaki, ninais nya din na makahanap na ng taong makakasama nya habang buhay...