Chapter One
Bumuntong hininga ako ng makita ko na iyong kakambal ko sa loob ng Home Gallery. Pumasok ako at nang makita nya ako ay agad syang kumaway.
"Hi! Grabe, akala ko iindyanin mo ako."
I kissed Frencheska's cheeks at umupo sa harapan nya.
"I already ordered food. Anong balita sayo?"
"Okay ako, Mocha."
She snorted. "Frencheska nga." Umirap pa sya. "Mama's asking for you."
"Okay ako, may trabaho naman."
"Saan? Diser pa din? Alam mo ha, hindi ko gusto iyong kumalat na balitang nakipag-sex ka sa isang diser ha."
"Totoo naman iyon. I was drunk." Kibit balikat ko.
"Kahit na! Kapag may naganap na ganun, hindi naman na kailangang ipagsabi."
"Hayaan mo na. Lumipas naman na yun."
Umismid sya. "San ka ba nagtatrabaho ngayon?"
"Part time ahente lang."
"Oh? Saan? Sa Rise and Shine?" I nodded. "Kailan pa? Grabe ha! Pakiramdam ko hindi tayo kambal, wala ka ng pakialam sa akin?"
"Alam ko namang busy ka, Mocha."
"Alam mo, French Vanilla, naiinis na ako kaka-mocha mo ha."
"Pangalan mo iyon ha." Natawa ako.
Dumating na ang orders namin. Panay akong kinakamusta ni Frencheska. Simula kasi ng umalis ako sa bahay, bihira nalang kami magkausap na dalawa. Lalo na't na-busy ako sa kung paano ba ang buhay ko na, habang sya busy sa pag aaral nya.
Okay naman kami ng parents ko, medyo pakiramdam ko lang na disappointed sila sa akin dahil kumpara kay Cheska, hindi ako kagalingan sa school at undergrad ako. Umalis lang ako sa bahay pero okay kami ng magulang ko, walang problema.
"Dun ka nalang sa dorm ko or uwi ka na bahay?"
"Maayos pa naman apartment ko, tyaka nakakapagbayad naman ako."
"Sure? If you need help, nandito ako ha."
Pagkatapos namin magkita ni Cheska, dumiretso uwi na ako dahil galing pa ako sa trabaho. At mag babawi ng tulog. Sunod sunod ang trabaho ko ngayon dahil maraming naghahanap ng mga condo at bahay ngayon.
Akmang sasakay ako sa jeep ng may makabungguan ako. Sa lakas ng impact, muntik pa akong mapaupo. Mabuti nalang at nahigit noong lalaki iyong braso ko.
"I'm sorry, Miss."
"Okay lang." Sabi ko at sumakay na.
Pagkarating ko sa apartment ay binagsak ko na agad ang katawan ko sa kama.
HALOS matanggal na ang mata ko kakairap sa nabasa ko sa isang comment section ng kakilala at naka-date ko before.
Tss. Mga immature. Para iyon lang, puputak na sila? Bahala kayo jan.
Sumakit lang ang ulo ko kaya nang magbreaktime na, tumayo na ako para lumabas sa building. Tumawid ako sa coffee shop at bumili ng French Vanilla. Weird kasi kapangalan ko. Ewan ko ba sa Mama ko, masyado kasing fan ng kape kaya ayan, ayan ang pangalan ko. Tapos Frencheska Mocha iyong kambal ko.
Vanilla Vargas lang ginagamit kong pangalan talaga. Ipapatanggal ko na nga iyong French pero maraming namamangha sa pangalan ko kaya hinayaan ko nalang. But I am known as Vani.
Bumuntong hininga ako at tumingala sa langit.
Magiging successful din ako balang araw!
I went home after duty, ang hirap mag explain sa mga client about condo's. Madilim at pasikat palang ang araw ng makauwi ako, may tinapos lang kasi akong report ngayon.
BINABASA MO ANG
French Vanilla (Coffee Series)
RomanceSimpleng buhay. Iyon lang ang gusto ni Vanilla habang lumalaki sya. Hindi man nakatapos katulad ng kakambal nya pero nagsumikap naman para makatulong kahit papaano. Habang papalaki, ninais nya din na makahanap na ng taong makakasama nya habang buhay...