Chapter Twenty One
"Hey.." Maru softly cupped my face and made me face him. "Are you okay?"
"What exactly happened?"
"You almost got hit." Lumayo ako sa kanya. "Here, drink some water and please calmed yourself."
Tinanggap ko iyong bottled water na binigay nya at uminom doon. My heart is still pumping hard with just the mere thought that I almost got hit.
"Vanilla," tawag uli ni Maru.
"I want to go home, Maru."
Marahan syang tumango. "Okay. I'll take you home."
Hinayaan ko syang ikabit ang seatbelt sa akin. Tahimik lang ako na hawak hawak ang bottled water. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa tapat ng apartment ni Cheska.
"Vanilla, can you promise me to be safe always?"
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Why? May problema ba?"
"Just promise me."
Kumurap ako at kapagkuwan ay tumango nalang.
"Thank you."
Bumaba ako at hanggang sa makapasok na ako sa bahay ay doon lang umalis si Maru. I texted Mama and Papa, natatakot ako sa mga naiisip ko ngayon lang.
Di kaya may kinalaman ang pagiging abogado ni Maru dito? Well, he used to be my fianceé, what if lang naman?
Maaga akong nakatulog dala ng mga iniisip ko. And the next day, I woke up early. Nandoon na sa pinto ang bakas na umuwi na si Cheska at kasalukuyang natutulog pa sa kwarto nya.
I stood up and washed up my face. Nagluto ako ng typikal na breakfast namin ni Cheska at hinain iyon sa lamesa. I also texted Jeanna na hindi ako papasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko.
Hinamig ko lahat ng maduduming damit sa hamper namin ni Cheska at nilagay sa likod lahat. Pinaikot ko na din sa washing iyon at babalikan nalang.
Pinalitan ko na din ng kurtina ang buong bahay. Winalisan ang sahig at pinunasan ang mga frame. Bumagsak ako ng higa sa sofa at halos kakahiga ko palang ng huminto na ang ikot ng washing kaya no choice akong tumayo na.
Nilipat ko lahat sa dryer iyon at pinaikot uli.
"May bago pala akong maid?" I heard Cheska on my back.
Nakasuot lang ng spaghetti strap at lacy panty. Magulo ang buhok na akala mo kinaganda nya.
"Mag almusal ka na, magsasampay ka pa ng mga damit."
"Sabay na tayo."
Nilapag ko sa gilid ang isang basket na may laman na isasampay nya at sumunod na sa kusina. Cheska made us some coffee.
"May problema ka?" She asked. "Naglinis ka bigla eh."
"Wala. Nadudumihan ako sa bahay."
"Sorry ha. Ngayon lang kasi ako nagka-day off talaga."
"Huwag mo nang isipin iyon."
"Oo nga pala, Twinny. Inimbita ko kasi si Maru ngayon, pepresent na nya ang mga ebidensyang si Alissa nga ang nagsabotahe ng mga dokumento ko." Aniya. "Okay lang ba?"
"Wala naman problema."
"Right. I just informed you baka kasi maghesterikal ka na naman."
Pinaghugas ko na din ng plato si Cheska bago kami sabay na nagsampay ng mga damit namin sa likod bahay.
BINABASA MO ANG
French Vanilla (Coffee Series)
RomanceSimpleng buhay. Iyon lang ang gusto ni Vanilla habang lumalaki sya. Hindi man nakatapos katulad ng kakambal nya pero nagsumikap naman para makatulong kahit papaano. Habang papalaki, ninais nya din na makahanap na ng taong makakasama nya habang buhay...