Chapter Seven
"Free taste po! Saktong sakto sa budget!"
Kulang nalang mangharang ako ng mga tao para mapansin itong brand na ineendorse ko ngayon.
May mga bata namang lumapit kaya nilahad ko sa kanila iyong nasa tray na hawak ko.
"New product, Miss?"
"Yes po. Pasok sa budget."
Buong maghapon akong nag aalok sa mga tao ng product. Thankfully, may nabenta naman ako.
"Energetic tayo ngayon, Vani." Puna ni Sky.
"Kailangan eh." Nginitian ko sya.
Bandang alas kwatro ng mag-pack up kami ni Sky. Nilista ko sa incentives iyong mga nabenta namin ngayon.
"Madami kayong nabenta ah." Ani ng manager nung brand.
"Thank you po. Si Vani, energetic ngayon." Tumawa si Sky at tinuro ako.
"Maraming salamat. Ito na iyong sweldo nyo."
Saby naming tinanggap ni Sky iyong sobre.
"Salamat po. Mauuna na ako." Tinapik pa ni Sky ang balikat ko. "Vani, see you!"
"Ingat ka."
Sinilid ko sa bag ko iyong sobre at nag ayos na. Naramdaman ko si Sir Andre sa gilid ko kaya binalingan ko sya.
"Vani, may lakad ka pa ba?"
"Ah, meron po." Sagot ko.
I'm not numb or something, alam kong may gusto sakin si Sir Andre, di ko lang alam kung anong klaseng pagkakagusto iyon. Madami kasing definition ng gusto ngayon.
Unti unti syang lumapit sa akin, I smiled. I need to be civil because he's still my boss.
"Wanna go out with me?"
"I'm sorry, Sir Andre. Pero may pupuntahan pa po ako."
"Kahit ilang minuto lang?"
Sinulyapan ko ang cellphone ko. By this time, Maru should be texting me now.
"Sorry po, pero kailangan ko nang umalis."
Hinawakan nya iyong braso ko kaya napatigil ako.
"Sir Andre."
"Hatid nalang kita?"
"Hindi na po kailangan."
Umayos sya ng tayo at kapagkuwan ay tumango.
"Okay, next time then? I won't take no as an answer."
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay iniwan na nya ako basta doon sa pwesto ko. Kumunot noo ko. As if sasama ako sa kanya? He look like a playboy! Mga typical fuckboys. I know, marami akong kilalang fuckboys.
Kakarating ko lang sa bahay ng matanggap ko ang text ni Maru.
Maru:
You home?Ako:
Yes po.Ako:
Kikita tayo mamaya?Maru:
I'll try.Ngumuso ako at nagtipa ng okay sa kanya bago pumikit saglit. Nang makuntento na sa ginawa kong pagpapahinga ay tumayo na ako at binilang ang mga sweldo ko sa mga nakaraang raket ko.
Iyong darating na sweldo ko sa pagiging ahente ay iyon nalang ang ipambabayad ko sa upa ng apartment. Sinabi ni Cheska na huwag na muna ako magpadala kina Mama dahil nagpadala daw sya ngayong buwan. Tipidin ko na daw muna o bumili ako ng mga gusto ko.
BINABASA MO ANG
French Vanilla (Coffee Series)
RomanceSimpleng buhay. Iyon lang ang gusto ni Vanilla habang lumalaki sya. Hindi man nakatapos katulad ng kakambal nya pero nagsumikap naman para makatulong kahit papaano. Habang papalaki, ninais nya din na makahanap na ng taong makakasama nya habang buhay...