Chapter Sixteen

417 17 1
                                    

Chapter Sixteen

Kitang kita ko ang pag ismid nya at lumapit sa sink.

"So totoo ngang engaged na kayo?" Aniya.

"Yes. Here's the proof."

Ngumisi sya. "Hindi ka ba nabibilisan?"

"Hindi ba pwedeng mahal namin ni Maru ang isa't isa at ready na kaming magsama kaya kami engaged na ngayon?"

"Oh. Such a hopeless romantic." Umayos sya ng tayo at hinarap ako.

Tinapos ko naman ang pag aayos ko.

"How can you be so sure na seryoso sayo si Maru?"

"What do you mean?" Tumaas ang kilay ko.

"Oh! Alam mo ba, some of his friends doesn't know you personally. Tapos nagulat silang biglang engaged na si Maru... at sayo."

"So gusto mong sayo sya ma-engaged, Macy?" Nakataas na iyong dalawang kilay ko.

Sumimangot sya dahil sa sinabi ko.

"Sorry, Macy but Maru is mine now. Tapos na kayo, at huwag ka nang umasa." Pinasadahan ko sya ng tingin. "You look like a strong independent woman, makakahanap ka din ng iyo."

Tinapos ko na ang pag aayos ko at nilagay ng iyon sa purse ko. Inayos ko pa ang buhok ko bago ngumiti sa kanya at nilampasan ko sya.

"Vanilla," pagtatawag nya.

Huminto ako at hinarap sya.

"You can be happy now, pero darating ang araw na iiyak ka kapag nalaman mo na ang totoo." Ngumisi sya.

I was caught off guard after hearing that. Anong totoo?

"What?"

"Oh, darling... It's not my story to... tell. Why not asked Maru about it?"

I composed myself and smiled at her again.

"Okay, thank you for informing me."

Tumalikod ako ng mabilis sa kanya at imbes na dumiretso kay Maru ay lumihis ako sa labas. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa purse at pumikit dahil nabahala ako sa sinabi ni Macy.

Why does she seem so confident about that? Pero iba ang utak ng mga abogado. Kailangan kong mag ingat.

Pumihit ako para makabalik na sa loob kaya lang, napahinto ako ng masaksihan kung paanong magkumpulan ang mga batch ni Maru sa tabi nya. Tahimik lang sya like the usual.

Inuli kong muli ang mata ko at nakita kung gaano kalayo ang estado ng buhay ni Maru sa buhay ko. Bumagsak ang tingin ko sa singsing na nasa daliri ko.

Masyado nga bang mabilis? Pero sigurado na ako eh. Sigurado na akong si Maru na. Ayoko bigla noong nag isip ako kung sigurado na din ba si Maru sa akin... ayoko nang isipin.

Tumunog ang cellphone ko mula sa purse. Kinuha ko iyon at nakitang si Maru ang tumatawag. I answered it.

[Where are you?]

"Nasa labas lang, nagpahangin."

[Do you wanna go home?]

"Mamaya na. Nag eenjoy ka pa." Ngumiti ako kahit na hindi naman nya ako kita.

[Nasan ka bang parte?]

"Pabalik na ako."

Humakbang ako at agad na nagtama ang mata namin. Pinatay ko na ang tawag at dumiretso sa kaniya.

"Are you bored?"

Umiling ako. "Hindi naman. Ang lamig ng hangin sa labas."

Napuno ng kwentuhan ang table. Tahimik lang ako dahil hindi naman ako gaanong relate sa topic nila. Tipid lang na sumasagot si Maru at nang humikab ako, nagpasya na syang umuwi na.

French Vanilla (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon