Chapter 29 . The Truth

13.7K 245 8
                                    

"Why do you look so sad?"

Napatingin ako sa may pintuan at nakita ko si Kuya Chand.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng marahan.

"Nothing kuya.." sagot ko at tumingin sa langit. Nasa veranda kami ngayon.. nag iisip kasi ako kung anong gagawin ko sa mga susunod na araw.

Nagiisip ng bagong kasinungalingan para sa sarili ko. I'm telling lies to myself to save myself from the pain. To save Travis from me..

I'm thinking how can I stop thinking about him..

"Don't lie.. I am your brother. I know you" aniya at tumabi sakin. 

"Why did you fight for Bea? I mean.. why did you choose to fight for her even though alam mo naman na ikaw ang dahilan bakit siya nasasaktan? You left her.. ikaw ang nang iwan kuya diba? Ikaw ang rason bakit siya nasaktan ng sobra noon. So why did you fight for her after five years?" hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang yun pero sa ngayon alam ko na si Kuya Chand ang makakatulong sakin.

I want to find a reason too.. kahit ano pa 'yon.

"Simply because I love her.. no explanations."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tama nga naman, if you love person, dapat ay walang tanong at hindi kailangan ng rason. Pero sa lagay ko.. hindi ata pwede.

Napangiti naman ako at humugot ng malalim na hininga.

"Pwede ba yun? Is it not being selfish?" tumingin ako kay kuya.

Ngumiti siya sa akin at napayuko nalang ako. I feel so pathetic..

"I did it right? That means na napatunayan ko. We don't need reasons to fight for someone.. we do it because we want to. It is not being selfish, I know that I can fight for her so why not? I realized that I can't live without her." Aniya at hinalikan ako sa noo.

Pumikit ako at tumango.

Kahit ano atang sabihin ni Kuya.. hindi ako makakapag isip ng tama. My mind is in chaos right now..

"You need to go sa isang resort tomorrow for checking and para makita mo kung pwede bang mag add ng another branch don, you will be there for two days and by the way princess.. stop tormenting yourself."

Tinalikuran niya ako at iniwan ako doon. Resort? Maganda na siguro 'to para hindi ko makita si Travis.

Seeing him will only make me feel bad and in pain.

Pumasok na din ako sa kwarto ko at nag handa na para bukas.

"Mam.. sorry po pero hindi pa po tayo makakaalis. May hinihintay pa po eh" sabi ng sekretarya ko.

Isang oras na kaming naghihintay pero hindi parin kami pinapaalis.

Humalukipkip ako dahil sa inip.

"What? Sino ba ang hinihintay natin?" tanong ko pero nang mag angat ako ng tingin ay parang nakagat ko ang dila ko.

"Sorry I am late. Late announcement din kasi" sabi ni Travis at ngumiti.

Sa sobrang inis ko ay pumasok ako sa helicopter mag isa.

Nakakainis! This trip should be mine! It's for my time and space tapos nandito siya? Paano ako makakapag isip ng maayos nito? Of course! I wouldn't be able to think properly!

"Hey.. I said I am sorry" sabi niya sakin pagkaupo niya pero hindi ko parin siya tinitignan.

"What are you doing here? Kaya kong mag isa dito." sabi ko pero narinig ko siyang tumawa.

Loss in the Dangerous PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon