Chapter 1 . Meeting the enemy

48.4K 573 18
                                    


"ALINA!" Kainis! Bakit kasi late akong nagising?

Mabilis kong kinuha ang bag ko at nagsuot ng sapatos.

"Opo! Ayan na" sabi ko habang pababa ng hagdan at lumapit kay kuya at kila mommy.

"Ang bagal bagal mo talaga" reklamo ni kuya. Kumunot naman ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.

"Daddy oh.. sinusungitan ako ni Kuya" sumbong ko kay daddy. Kita ko ang irita sa mukha niya.

"Young man, be patient with your sister" sabi ni daddy.

Pinigilan ko ang matawa dahil kita ko ang inis na mukha ni Kuya.

"Kids.. let's go" sabi ni mommy at bigla akong inakbayan ni kuya. 

Ito naman gusto ko sakanya.. sweet parin siya kahit papaano.

"Lets go pagong" sabi niya tumawa naman ako.

"Lets go sungit" 

Pumunta na kami sa kotse at pinauna niya akong pumasok. Mag babakasyon kaming pamilya ngayon, sayang lang at hindi pwede sila Tita Ailee.

Napatingin ako sa bintana.. ang ganda ng araw ngayon. Narinig ko ang pagtawa ni mommy kaya napalingon ako sakanila. Nakahawak ang isang kamay ni daddy sa manibela at yung isa naman sa kamay ni mommy. 

Gusto ko kung magkakaroon man ako ng boyfriend, katulad ni dad.

Napatingin naman ako kay kuya. Nakaearphones siya habang nakapikit.

"Mom" tawag ko kay mommy.

"Yes baby" sagot naman niya sakin.

"Mom, I am not a baby anymore but by the way sinama ko pala si Bea" sabi ko kay mommy. Tumango naman si mommy.

Bea is my bestfriend and Tita Kristine and Tito Charles's daughter, my mom and dad's friends.

"Hindi daw ba sasama sila Tita Krisitine mo?" tanong ni mommy pero umiling ako.

"May business trip daw po si Tito Charles at sinama daw po niya si Tita kaya si Bea nalang daw po pinasama nila" sagot ko kay mommy. 

Halos mapapitlag ako nung nakita kong nakatingin si kuya ng masama sakin.

"Oh?" tanong ko sakanya.

"Bakit mo sinama si Bea?!" inis na sabi niya sa akin.. binatukan ko naman siya.

"Bakit ganyan ka kay Bea ah? Kay Kuya Bryan hindi naman ako ganyan ah kasi parang kapatid na natin sila" Inis na sagot ko sakanya. Ang sungit sungit talaga nito.

"Bakit ganun ba yung tingin ni bea sa akin?" tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay at pinigilan ko ang sarili kong sakalin siya.

"Anong tingin mo? May gusto pa si Bea sayo? Excuse me, nag eentertain na siya ng ibang suitors niya masyado ka kasing mahangin" sabi ko sakanya. I expected him to continue arguing with me pero nagulat ako nang manahimik nalang siya.

Sumandal naman ako sa balikat niya.

"Nag eentertain na siya?" tanong niya sa akin. Napa ngiti ako at tinusok ang tagiliran niya.

"Oo, bakit nag seselos ka?" tanong ko sakanya.

"Ano? Ako? Hindi ah! I am Chand Scott and never akong mag seselos besides.. wala naman akong gusto kay bea, sabi mo nga anak siya ni Tita Kristine kaya parang kapatid na natin sila." depensa niya. But I'm not buying it..

"Kids.. wag niyo munang pag usapan yan ah.. bata pa kayo" sabi ni Dad.

"Dad.. hindi na ako bata" sabi ko kay daddy pero tumawa lang sila.

Loss in the Dangerous PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon