"Mama pupunta ba sila Grandma?" tanong ng anak kong babae sa akin.
Nginitian ko siya at hinaplos ang kanyang buhok.
"Yes Josephine, Grandma will be here later afternoon with your Grandpa" tumango naman siya sa sagot ko at bumaba sa upuan.
"Mama! Yang si pin-pin may crush na" bigla namang binatukan ni Josephine si Joseph nung sinabi niya yon.
"Mama wag kang maniwala kay jojo!" sabi ni Josephine habang umiiyak. Natawa naman ako at kinandong ang dalawa akong anak.
"Ayus lang naman magka crush.. basta crush lang ah, mga bata pa kayo" sabi ko sakanila. "Pero sino ba?" tanong ko at kumunot ang noo ni Josephine at mukhang excited naman sabihin ni Joseph.
"Yung bestfriend ko po mama.. Si Jarred po"sabi ni Joseph at lalong umiyak si Josephine.
"Mama hindi totoo yon.. ang may gusto talaga sakanya ay si Lhen eh!" Depensa naman ni Josephine. Tinawanan naman siya ni Joseph.
"Hey! What are you doing? are you ready for vacation? Ready na ba ang mga dadalhin niyo?" tanong ni Travis at tumango ang dalawa kong anak.
Tumakbo naman si Josephine at nagpakarga sa daddy niya. Tumayo din ako at kinarga si Joseph.
"Why are you crying little girl?" tanong ni Travis sakanya pero sinubsob niya ang ulo niya sa daddy niya at tinuro si Joseph.
"Joseph.. wag mo ng busitin ang kapatid mo" ani Travis at hinawakan ang kamay ko.
"Yes papa" sabi ni Joseph at sinusob naman ang ulo sa leeg ko.
"Let's go baby.. nandyan na sila Grandma niyo" wika ni Travis sabay halik sa noo ko.
Hinawakan niya ako at sabay kaming lumabas. Nakita kong may limang kotse doon.
"Buo tayo ngayon ah" komento ko at lahat kami ay napangiti.
Humigpit ang hawak ko kay Travis at ngumiti sa gawi niya. Sumakay na kami sa kotse namin at pumunta na kami sa destinasyon namin.
"I am so happy Alina" sabi ni Travis habang hawak hawak ang kamay ko.
Kinilig naman ako sa sinabi niya.. kahit na six years na kaming kasal ay hindi parin nawawala ang kilig ko sakanya.
"Me too" masayang wika ko at tumingin kami sa isa't isa. Tumawa naman ako at tinuro ang daan.
"Eyes on the road mister." Bawal ko sakanya pero tinawanan lang niya ako.
Napatingin ako sa likod ta nakita ko ang kambal namin na natutulog, ang ulo ni Josephine ay nakasandal sa balikat ni Joseph.
"I know.. we need to be safe lalo na at hindi lang tayo nabubuhay para sa isa't isa kung hindi para rin sa mga anak natin" sabi niya sa akin at tumango ako.
Nakarating kami sa destinasyon namin. Kaming mga babae ay nag aayos ng pagkain habang inaayos ng mga lalaki ang mga kailangan like tents, bonfire and mga bagay na kakailanganin mamaya.
Napatingin ako sa dagat. Dito sa beach na to una kong nakita si travis, dito nangyari ang first kiss ko, dito ko siya unang iniyakan.. napakaraming nangyari sa lugar na ito.
Hinding hindi ko ito makakalimutan.
"I am happy" napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Caly.
Nakita ko din sa mga mata niya na masaya siya.
"Me too" sabi ko at ngumiti kami sa isa't isa.
Hinawakan niya ako sa kamay.
"Hindi na ako natatakot mamatay Alina.. kasi alam ko na naparamdam ko na sakanila kung gaano ko kayo kamahal." sabi niya sa akin.
Tumango naman ako at yinakap siya. I felt it.. ipinaramdam niya sa amin kung gaano niya kami kamahal.
"Pero mas maganda kung buhay ka diba? Patuloy mong maipaparamdam sa amin ang pagmamahal mo at ganoon din kami.. marami pa kami gusto iparamdam sayo" sabi ko sakanya at ngumiti siya.
"Napapagod na ako" aniya pero umiling din siya. "Ano ba tong pinaguusapan natin. Kailangan masaya lang. Kaya ko to" sabi niya at tumango naman ako.
Naramdaman ko naman na may umakbay samin.
"Anong pinaguusapan natin dito?" Natatawang wika ni Bea sa amin at pumagitna samin ni Caly.
"We are just talking about how happy we are" sagot ko sakanya.
Tumingin ako sa likod at nakitang busy pa rin ang mga boys. Ang mga bata naman ay naglalaro ng buhangin.
"Me too.. I am happy not just for myself but because I know na masaya rin kayo" Bulong niya sa amin kaya nagyakapan kami.
"I hope na katulad natin at katulad ng mga magulang natin ay harapin din ng mga bata ang future ng magkakasama.. Let's do this until our last breath" sabi ko at tumango naman sila bilamg pag sangayon.
"Of course" sabi ni Caly at hinawakan ko ang kamay nila.
"Let's go" pag yaya ko at tumayo na kami.
Lumapit kami kina Travis at tumulong na rin sa mga lalaki.
"Ano pa bang kailangan?" tanong ko kay Travis pero ngumiti lang siya sa akin.
Pinalo ko naman ang mga kamay niya.
"Anong ngitingiti yan?" tanong ko at lumapit sa amin ang mga anak namin.
Nagpakarga sa akin si Joseph at sa kanya naman si Josephine.
"Nothing.. nawala lang ang pagod ko nung makita kita eh" natatawang sabi niya sa akin at hinalikan ako bigla.
Bigla naman tinakpan ni Joseph sa mata si Josephine.
"Pin pin.. bawal mo pa makita yan" sabi niya at tumawa kami.
"Mama.. ikwento mo ulit sakin love story niyo ni daddy bago matulog ah" sabi ni Josephine at natawa naman ako.
Lagi nalang niya sa akin pinapakwento yon.
"Okay baby girl" sabi ko at tinignan ko si joseph na parang walang pakialam.
Nagmana talaga kay travis 'to.
"Kumusta na pala si Tito Lance?" tanong ko kay Travis.
Ibinaba namin ang mga anak namin. Tumakbo naman sila papunta sa mga pinsan nila.
"Okay naman siya.. sabi niya masaya siya para sa atin" sagot niya sa akin at yinakap ako mula sa likod.
Pinanood lang namin ang mga bata maglaro. Napatingin ako kay mommy at nakita kong nakangiti siya sa amin. I mouthed her thank you and she nodded.
"I love you Alina." Bulong ni Travis sa akin at naramdaman kong hinalikan ako sa ulo.
We never get tired saying how we love each other and I always felt butterflies whenever I hear him say that.
"I love you too Travis" sabi ko sakanya.
"Dinner is ready!" sigaw ni Zicko at naglakad na kami papunta don.
Hawak kamay kaming pumunta doon at nakita ko na ang mga importanteng tao sa buhay ko ay nakangiti din.
I am proud to say that this is our story..
Our one great happy ever after..
- Alina Scott
Thank you for reaching this chapter! Maraming salamat!
Next story: Reverse
BINABASA MO ANG
Loss in the Dangerous Path
RomansaAlina Scott met Travis Morgan, son of her mother's rapist. © 2014 SilentInspired All Rights Reserved