Chapter 30 . Friends

12.6K 217 1
                                    

"Really? So do you think.. it is possible for us to put up a branch here?" tanong ko sa may ari ng resort.

Napatingin ako kay travis at naka ngiti din siya. Kumunot ang noo ko pero nag iwas nalang ako ng tingin.

What is his smile about?

"Of course mam! We would be welcoming a new branch from your company" aniya.

Marahan akong ngumiti at tumango. Dad will surely be happy with this.

"Thank you! So it's a deal?"

I reached for my hand and gave her a heart warming smile.

"Deal" and the deal was closed.

Naghiwalay na kami at kasama kong naglalakad si Travis. Sinubukan kong umiwas pero sadyang makulit si Travis, sumunod pa rin siya kahit panay ang mga masamang tingin ko sakanya.

"What am I before?" tanong niya sakin na ikinabigla ko pero hindi pa rin kami tumitigil sa paglalakad.

Huminga ako ng malalim dahil nakakapanghina talaga ang sitwasyon namin. Kailangan ng matinding lakas para harapin lahat 'to.

"You're still the same travis though.. you just don't remeber your memories but the way you act, speak and how notorious you are.. it is still the same." sabi ko kaya napatingin siya sakin at sabay kaming tumawa.

"I am not notorious!" Depensa niya habang tumatawa kami.

Kumunot ang noo ko at umiling iling.

"Yes you are! There is no before and after!" Natatawang saad ko at tumakbo kaya hinabol niya ako.

I was catching my breath but I can't anymore that is why I stopped. I felt his hands on my waist. Namilog ang mata ko pero natawa pa rin dahil hindi ako makawala sakanya.

Pinagpapalo ko siya pero sadyang sobrang lakas niya talaga.

"Got you!" sabi niya kaya natigilan ako. Humarap ako sakanya habang nakapulupot pa rin ang kamay niya sa bewang ko.

"Meron pa.. maniac ka pa rin "sabi ko at tumawa. Natigilan ako nung hindi siya kumibo.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil nanatili ang tingin niya sa akin.

"Sayo lang." Aniya.

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. He is making me so weak. Pinilit kong umiwas ng tingin pero patuloy lamang siya sa pag hahabol nito.

Ngumiti naman ako sakanya.

"I know now why I fell inlove with you before. Even though wala akong maalala.. it seems that I recognize this kind of things. One thing is for sure.. I am falling in love with you again." Aniya at siguradong namumula ako ngayon.

I love him.. I want to tell him that pero alam kong matatapos lahat 'to pag sinabi ko 'yon. Siguradong mawawala lang lahat ng pinaghirapan ko..

"Travis.. gusto ko sana na friends na muna tayo. If you can't remember me.. atleast we'll start a new." sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak niya.

"Are you sure?" tanong niya at tumango ako.

Tumingin ako sa sunset and a bitter sweet feeling invaded me.

"Nung una tayong nagkasama dito sa lugar na to.. kinuha mo yung first kiss ko at galit na galit ako. Dito ko rin inamin sayo ang totoo.. now, gusto ko na dito rin tayo magsimula ulit bilang mag kaibigan" wika ko.

Ngumiwi siya pero nanatili ang ngiti sa aking mga labi.

Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang sabihin sakanya iyon. It's so hard for me but if this will make things better then it's okay. Ang hirap maging kaibigan niya lang..

"Travis.. this is life. We should be happy kasi buhay ka pa kahit nakalimutan mo kami" paliwanag ko at niyakap siya. Inalok ko ang kamay ko.

"Friends?" Alok ko at ngumisi naman siya.

"Friends" aniya at nag shake hands kami. Naglakad na kami pabalik sa hotel.

Inaayos ko ang mga papeles na dadalhin sa Manila at nag ayos na rin ako ng mga gamit nang may kumatok sa pintuan ko.

"Mam! Si Sir travis po may sakit!" nag ha-hyper ventilate na sabi ng secretary ko.

Namilog ang mata ko at mabilis na lumabas. Kaagad akong tumakbo sa kwarto ni Travis at nakita kong nakahiga siya sa sofa habang namamawis. May mga pula pula din sa balat niya.

"Anong kinain niya?" tanong ko habang kumukuha ng bimpo para punasan siya.

"Hindi po namin alam na may shrimp po yung pagkain niya. Naalala po namin na sinabi niyong bawal siya sa shrimp." Paliwanag sekretaya ko at mukhang takot na takot.

Ngumiti ako para mawala ang kaba sakanila. Kahit ang puso ko naman ang punong puno nang kaba at takot. Pakiramdam ko, pati ako ay mag kakasakit dahil sakanya.

"Lumabas na muna kayo sige. First thing in the morning.. babalik tayo ng Manila. Ipahanda niyo na ang helicopter" 

Mabilis nila akong sinundan at nag madaling lumabas. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan siya saglit. Parang kumikirot ang puso ko habang tinitignan siya.

Hinanda ko ang mga kailangan at gamot niya dati na naiwan sa akin.

"Ang kulit kulit mo kasi. Dapat tinignan mo muna yung kinakain mo. Ang dali mo palang lasunin." Inis na inis kong wika habang pinupunasan siya.

"I'm sorry" pabulong niyang wika. Kita ko ang sinseridad niya at panghihina kaya inirapan ko nalang siya.

Bumuntong hininga ako at ngumiti. Matitiis ko ba siya? Syempre hindi!

"Okay lang yun. Makulit ka talaga.." kunyari ay inis kong wika at inayos ang higa niya.

"Drink this, naiwan mo tong gamot na to dati sakin. Nakasanayan ko ng dalhin, para sa allergies mo to." Bilin ko at tinulungan siyang uminom.

Lumipas ang mga minuto at nawawala na ang mga rashes niya. Doon lang ako natanggalan ng kaba sa puso.

"I need to go. Matulog ka na"

Tumayo na ako at binigyan siya ng huling tingin pero kumalabog ang puso ko nang hinawakan niya ang kamay ko.

"Please stay.." he breathed.

Natigilan ako sa sinabi niya. 

I didn't expect him to ask me that but I'm glad he did. Kailangan ko ng idadahilan sa sarili ko para manatili..

Ayoko din isipin siya buong magdamag.

"As a friend" sabi ko at umupo sa tabi niya.

Hawak hawak pa rin niya ang kamay ko at ngumisi siya.

"As a friend, but one day I'll make sure that I dont need to ask for you to stay because we'll live in the same house." sabi niya at pumikit na.

Gusto ko pa siyang kausapin dahil kahibangan lang naman ang sinasabi niya pero tsaka na, pag ayos na siya at nakakapag isip na siya ng maayoa.

Pumikit na rin ako at hindi ko akalain na matatapos tong araw na to na kasama ko pa rin siya.

I don't know if it's destiny but I know that at the end of the day.. we will still be coming back in each other's life.

Pero bago ako makatulog.. isang tao lang ang naisip ko na kailangan ko nanaman harapin.

Lance Morgan. 

Loss in the Dangerous PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon