Chapter 33 . Start

12.3K 228 5
                                    

We were running so fast. Kuya chand kept on stopping me from running but I can't let him stop me.

Nang marinig ko ang sigaw mula sa isang bahay na tinuro ni Travis ay kaagad kaming tumakbo papasok, pinigilan nila ako dahil delikado daw pero hindi ako nag paawat.

"Ina! It's dangerous! Go back there and stay safe! Hintayin mo nalang si Travis sa labas." sigaw ni Kuya Third habang hawak hawak ang kamay ko pero hinila ko ang kamay ko mula sakanya.

I can't..

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari kay mommy.

"Kuya kasalanan ko kung bakit nandyan si mommy! How could I stay safe if I know that mom isn't safe!" sigaw ko at tumakbo ulit para hanapin si mommy.

Habang naghahanap ako. Nakakita ako ng pintuan sa dulo na halos hindi mo mapapansin kung hindi ka masyadong mapagmasid. Pinuntahan ko yun at dahan dahan binuksan.

Napaawang ang labi ko at napatakip ako ng bibig dahil sa nakita ko.

"Mommy!" naka tali sa mommy sa bedpost habang nakaupo sa sahig.

Dumudugo na din ang kamay niya dahil siguro sa pagpupumilit na makatakas. Ang dami din niyang bugbog sa katawan siguro ay dahil na rin sa paglalaban.

Nanghina ako sa nakita ko. I can't believe this..

"Ryle!" nakasunod na din si daddy.

Kita ko ang gulat sa mga mata ni daddy. Anger was very visible too. Napamura siya ng mahina at mabilis na dinaluhan si mommy. Kahit nanghihina ay lumapit ako at tinulungan namin siya makaalis sa pagkakatali.

Nanginginig ako habang tinatanggal ang tali sakanya.

"Luke, I know you'll come for me." mahinang sabi ni mommy.

Napa ngiti siya kahit na masakit na ang nararamdaman niya.

Nanikip ang dibdib ko dahil doon.

"Let's get out of here" sabi ni dad at binuhat na si mommy.

Nagmadali kaming lumabas pero napatigil kami nung may nagsalita. Naiyukom ko ang mga palad ko dahil sa boses na narinig ko.

"What do you think you're doing?" Sabay kaming napalingon ni daddy at nakita namin si Lance Morgan.

"Dad.. tumakas na kayo. Ako na ang bahala dito, he can't hurt me" hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para sabihin yon pero alam ko na hindi niya ako kayang saktan.

"What?! are you crazy Alina?!" sigaw ni Kuya Chand na kararating lang pero nakita namin na may mga paparating na mga lalaki.

"You need to protect mom.. kaya ko na to. Protect mom from those guys. Paparating na si Travis." sabi ko at hinawakan ni kuya ang kamay ko.

"Catch up or I am going to hunt that man to the deepest darkest place you'll never imagine." sabi niya at tumango ako.

Si daddy ay ayaw pa rin umalis pero narinig namin ang pagkasa ng mga baril. Tumango ako at hinila na siya nila Kuya Third. Haharapin pa nila ang mga lalaking 'yon..

The FBI will be here soon so I don't have anything to worry about..

Tumakbo sila at nakarinig ako ng putukan. Ngayon kaharap ko na siya.. ito na yun, ang araw na maghaharap kami.

"Do you think I can't hurt you?" tanong niya sa akin at ngumisi.

"Yes" sabi ko at ngumisi din.

No.. I'm so afraid. Damn.

Mukha naman siyang natigilan. Itinaas at tinutok niya sakin ang baril pero lalong lumapad ang ngiti ko.

Loss in the Dangerous PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon