"Alina?"
Napalingon ako sa pintuan ko. Nandun si mommy na nakangiti sa akin. I smiled back.
"Yes mom?" tanong ko sakanya at pumasok siya sa kwarto ko. Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ako.
"Nothing.. I just missed you so much. You are turning eighteen now, you won't be my baby anymore" aniya.
Tumawa ako at yinakap siya ng mahipit. Siya rin ay bahagyang tumawa.
"No mommy, kahit pa maging seventy-one years old ako, ako parin baby mo" saad ko at bumitaw sakanya.
Napatayo si mommy nung may nag doorbell.
"Tignan ko lang yun" ani mommy.
Tumango ako pero naalala ko yung nangyari dati.
"Samahan na kita mommy" alok ko at tumango naman siya.
Hinawakan ko ang kamay at tinungo nanamin ang gate. Habang papunta kami doon ay abot langit ang kaba ko. Paulit ulit na nag rereplay sa utak ko ang nangyari dati. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ako dapat ganito magisip.
"Baka si daddy na yan mom." sabi ko sakanya at ngumiti lang siya.
Bakit kinakabahan ako?
Pagkabukas ni mommy ng gate, wala namang nandoon maliban sa isang box. Ako na ang kumuha non dahil mukhang walang balak si mommy na kunin yun. Pagkabukas ko ay biglang napaupo si mommy sa sahig.
Napaawang ang labi ko at nanginig ang kamay kong nakahawak sa menasahe.
Did you miss me Ryle? Don't worry I'll get you soon.
- LM
Nagulat din ako sa nakasulat. Ang kapal naman ng mukha non! Umupo naman ako at humarap kay mommy na umiiyak. Mabilis kong ni-lock ang gate namin at tinulungan siya makapasok ng bahay.
Ini-upo ko siya sa sofa namin at kita ko ang takot sakanya.
"Mommy.. don't worry and don't cry anymore. We will do everything for this crap to stop" sabi ko at yinakap siya.
"Anak.. kukunin niya ako.. what will I do?" Napahikbi siya at mabilis kong pinunasan ang mga luha niya.
"Don't worry mom, we won't allow that. I know na wala po kaming alam sa nangyayari pero I understand na masamang tao ang nasa likod nito."
Kahit ako ay natatakot pero hindi ko pwedeng ipakita kay mommy 'yon.
"What is happening?" napatingin ako sa likod at nakita si dad. Dumapo ang tingin niya kay mommy kaya mabilis siyang lumapit at nung nakita niyang umiiyak to, yinakap niya to agad.
"Shh.. baby, don't cry" ani dad kay mommy. Tumahan naman si mommy.
Binuhat siya ni daddy ng bridal style.
"Are you hurt Princess?" tanong ni dad sa akin. Umiling naman ako. Hindi na ako nagtanong kung anong nangayayari kasi I know that dad would protect us.
"Okay.. go back to your room and I''ll bring our queen upstairs" sabi ni daddy at hinalikan ako sa noo.
Tinungo ko na ang kwarto ko. Napangiti naman ako. Akala nung taong gustong makagulo samin, magugulo niya kami pero mali siya.. lalo kaming tumitibay.
Nagising ako nang maaga ngayon dahil Saturday. What a great weekend to start. Pagkababa ko, nakita ko si mommy at daddy na nagluluto. Nagtatawanan sila at halatang sobrang saya nila.
BINABASA MO ANG
Loss in the Dangerous Path
Roman d'amourAlina Scott met Travis Morgan, son of her mother's rapist. © 2014 SilentInspired All Rights Reserved