LOVE, LETS BE A DOCTOR
Year 2020 nang lumala ang pagkalat ng virus sa buong mundo. Isa sa may napakaraming cases ng Covid19 ang Pilipinas.
"Doctora Jamiro, we have an emergency here! Please pumunta ka rito sa room 109!"
Dali-dali kong pinatay ang tawag at inilagay sa bulsa ang hawak na cellphone. Nahihirapan man sa paggalaw dahil sa kapal ng PPE ay pinilit kong makatakbo agad papunta sa nasabing room.
"Doc, tulungan mo kami!" bungad sa akin nang mabuksan ko ang pinto.
Dali-dali akong lumapit sa pasyente at agad na nakipaglaban kay kamatayan.
"SHOCK! Michael, anong ginagawa mo? Isa pa!" sigaw ko rito nang nakatulala na lamang ito.
"Doc..."
"ANO?!"
"Tama na,"
"Anong tama na-"
"Time of Death: 10:45 PM"
Para akong biningi no'n. Ang pasyenteng hawak ko, wala na, natalo na naman kami sa laban namin laban sa isang hindi nakikitang kalaban. Wala akong nagawa, I failed as a doctor. Again...
"Michael, I'm sorry for your lost. Condolence."
Niyakap ko ang kasamahan ko na walang tigil sa pag-iyak. Alam kong lubos siyang nagdadalamhati sa pagkawala ng pasyenteng iyon. Ito kasi ay kaniyang ina na tulad namin ay nakikipaglaban din para sa kaniyang buhay.
"Salamat, doc." Iyon lamang at humagulgol muli ito.
Napapabuntong-hininga akong tumayo saka tumango sa mga nurses na nakapaligid sa amin bago ako umalis.
Ganito ang araw-araw naming set up. Papasok, magsusuot ng PPE at magliligtas ng buhay. Ilang beses na kaming namatayan ng pasyente pero kahit anong gawin namin ay hindi namin naaalis sa sarili namin ang masaktan at manghinayang sa tuwing may buhay na namang nawawala.
"Ariana..."
Napatigil ako sa pagkain dahil sa tawag na iyon. Agad akong lumingon sa gawi kung saan nanggaling ang boses na iyon. At ayon siya, nakatayo sa may pintuan, ang pagod ay nasa buong mukha.
"Love... kumain ka na rito kasama ko." pag-aaya ko rito.
Alam kong parehas kaming pagod dahil pare-pareho lang ang aming ginagawa dahil sa pareho kaming doctor dito sa hospital. Tulad ng inaasahan ay umupo siya sa tabi ko, nag-inat-inat saglit bago inihilig sa balikat ko ang kaniyang ulo.
"I'm so tired, love..."
"I know,"
"Ang sakit ng katawan ko," parang batang sumbong niya sa 'kin habang nakapikit ang mga mata.
Nginitian ko ito, nagbabakasakaling baka iyon ang maging gamot para maalis ang pagod niya. Lagi niya kasing sinasabi ngumiti lang ako ay okay na siya.
"My patient died 30 minutes ago..." bigla ay aniya habang sinusubuan ko siya. "Inalagaan ko siya for almost 1 month. Ginawa ko ang lahat mapagaling lang siya, but I guess kulang pa ang ginawa ko, she died in my arms, love..."
Ilang minuto lang ang nagdaan natagpuan ko ang sariling niyayakap si Cade. He's crying at hindi ko mapigilang sabayan siya sa pag-iyak, pareho kaming namatayan na naman ng pasyente habang nasa mga kamay namin.
Kung hindi na lang sana nangyare ang pagkalat ng virus...
"I'm so tired, love. I want to live in a normal life, ayoko ng ganito. Nakakapagod, nakakasawa ang mga pangyayare." he uttered while sobbing.
YOU ARE READING
One Shot Stories (COMPILATION)
Ficción GeneralMy one shot stories are here. Highest Ranks: randomgenres: #6 oneshotstories: #108