MY BOYFRIEND ASKED ME TO MARRY HIS BROTHERMe and Halston was in a relationship for almost 2 years. Ang saya ng pagmamahalan namin. Many girls envy me because Halston is my boyfriend. Paano ba naman ay siya ang university king last year. Nung maka-graduate siya ay siya ring pagtungtong ko sa 4th year college. Pero hindi pa rin doon nagtapos ang selos ng mga babae dahil araw-araw akong sinusundo ni Halston. Tuloy ay kahit hindi na siya estudyante ay nasa school pa rin siya araw-araw.
"Lina..."
Mula sa labas ng bintana ng sasakyan ay inilipat ko ang paningin papunta sa drivers seat kung saan naroroon si Halston.
"Hmm?"
"Saan mo gustong mag-dinner?" tanong nito, nasa kalsada pa rin ang tingin.
Pumalumbaba ako, nag-isip ng pwedeng kainan. "Sa favorite restaurant na lang natin." sabi ko habang iniisip ang mga pagkain nila roon.
Medyo malayo pa man ay takam na takam na ako sa mga pagkain nila. Gutom na talaga ako. Nang makarating ay inalalayan ako ni Halston pababa ng kotse at papasok ng kainan. Napakagwapo talaga ng boyfriend ko, tuloy ay napalingon ang ibang babae.
Kinalabit ko si Halston saka ngumuso. Tatawa-tawa niya namang hinapid ang tagiliran ko mula sa aking likod. Ang iba sa mga babae ay napairap nang makita ang ginawa ni Halston. Inihilig ko sa braso niya ang aking ulo habang naglalakad papunta sa mesang nakalaan sa amin.
"Napakaselosa mo." natatawang bulong niya sa akin nang alalayan niya akong maupo.
Pasiring akong nagbaba ng tingin. "Paano ba nama'y parang hinuhubaran ka na nila sa mga tingin nila."
Hindi ito sumagot. Umupo ito sa silyang kaharap ko at humalakhak.
Tulad dati ay in-order ko ang mga paborito naming kainin. Dahil sa gutom na gutom ako ay may idinagdag akong order na hindi namin ino-order dati. Gusto ko kasing kainin iyon, new food for my appetite. Tahimik namin inubos ang pagkain. Halos hindi ako makatingin ng diretso sa boyfriend ko nang matapos ko lahat ng in-order ko. Ang takaw ko naman.
"Lina, bukas, ha?" Gamit ang isang kamay ay hinawakan nito ang likod ng ulo ko upang mapalapit ako sa kaniya. Hinalikan ako nito sa noo bago kumaway at pumasok sa kotse.
Nakipagbatian lamang ako sa mga maids namin bago tuluyang pumasok sa kwarto ko. Ang sabi nila'y wala na naman sina mommy at daddy. Bagay na hindi ko na rin ikinagulat dahil sa lagi naman silang wala.
Dumaan ang araw at naging busy ako sa school. Naging busy rin si Halston sa kanilang business kaya nagpapasundo na lamang ako sa driver ko. Wala rin namang kaso iyon dahil naiintindihan ko ang boyfriend ko. Nang makarating sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto. Hindi ko inaasahan ang bisitang nasa loob ng kwarto ko pero sa huli ay gumuhit ang isang malapad na ngiti.
"Hey, what are you doing here?" Hinalikan ko ito sa pisngi. Inilapag ko sa mesa ang shoulder bag ko saka siya niyakap sa baywang.
Kinalas ko ang pagkakayap ko sa kaniya nang hindi niya ako sagutin. Binigyan ko siya ng nag-aalalang tingin nang hindi siya kumibo at tumitig lang sa akin.
"Halston, okay ka lang ba?"
Sa wakas ay sumagot ito. "Hmm..." Tatango-tango nitong tugon. "Lina, I want you to do something."
"Sure, anything. What is it?"
"Marry my brother."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. M-Marry his b-brother?
"Marry Jonathan, Lina."
"Nababaliw ka na ba, Halston? Ikaw ang boyfriend ko-"
"I know you're cheating."
Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko. Naubusan ako ng salita. Tila nalunok ko ang dila ko habang napapayuko.
"Marry him."
Umiling ako. "Ayaw ko. Ikaw na ang mahal ko, tinigil na namin 'yon, Halston. Please..."
Mapait itong ngumiti. "Kailangan ni baby ng daddy."
"H-how did you know?"
"I saw your PT."
Sa pagkakataong ito ay isa-isang lumandas ang mga luha ko. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa alam na ni Halston ang katotohanan.
Inabot nito ang kamay ko at pinisil-pisil ito. Ngumiti siya pero nasa mata pa rin niya ang lungkot. "I don't want to do this, Lina. Matagal ko nang alam ang ginagawa niyo pero hinayaan ko lang," huminga ito ng malalim. "Handa ko nga ring akuin si baby eh." Tumawa ito upang palabasing biro iyon kahit hindi naman.
"P-Pero b-bakit ngayon-" Hindi niya ako pinatapos. Animo'y nabasa ang nasa isip ko.
"Hindi na pwede..." binitawan nito ang aking mga kamay saka naglakad patalikod papunta sa pinto. Gusto ko siyang sundan pero walang lakas ang mga paa ko. "Marry my brother, Lina, para maging masaya ka at si baby. Kahit gustuhin ko mang ako ang makasama niyo pero hindi na pwede." Isinara nito ang pinto at para akong napipi dahil wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Walang naibigkas ang labi ko.
Nasa ganoon akong posisyon nang mag-ring ang cellphone ko. Doon lamang ako nakagalaw. Hinanap ko ito sa loob ng aking bag at nakita kong si Jonathan iyon. Sinagot ko iyon at magsusumbong na sana at pakikiusapang kausapin si Halston pero naunahan niya ako.
"Wala na si kuya H-Haltson, Lina. N-Naaksidente s-siya."
---
Wattpad: @XianelWrites
YOU ARE READING
One Shot Stories (COMPILATION)
Ficción GeneralMy one shot stories are here. Highest Ranks: randomgenres: #6 oneshotstories: #108