"Diyos ko ako'y tulungan mo!"
Sigaw niya at napasinghap. Inaatake na naman kasi ang kaniyang mahal na anak.
"Ate Alice, si Cesia po nagsusuka ng dugo!" Sigaw ng kausap niya sa telepono.
Agad siyang napatayo mula sa silyang kinauupuan. Dahil sa ginawa niya ay nagsitinginan sa direksyon niya ang kaniyang mga katrabaho.
"Hintayin niyo 'ko, pauwi na'ko!"
Agad niyang kinuha ang kaniyang bag sa kaniyang desk bago nagmamadaling lumabas ng kanilang opisina.
Nang makalabas sa building ay agad siyang lumapit sa sasakyan niya upang makauwi agad at makita ang anak. Ngunit sa kamalas-malasang pagkakataon ay naiwan niya pala sa loob ng sasakyan ang kaniyang susi.
Umiiyak na siya habang pilit binubuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan. Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aapura dahil sa kalagayan ng anak ngunit minalas parin siya.
She's on a hurry. Walang taxi na dumadaan at kung tatawag pa siya ng grab taxi ay matatagalan pa ito.
Sa gitna ng kaniyang pag-iyak ay nasambit niya ang mga katagang.
"Diyos ko, ako'y tulungan mo."
Makalipas ang ilang minuto, may manong na nakabike ang huminto sa kaniyang tapat. Napakarumi ng suot nito at puno ng grasa ang buong katawan.
"Kailangan mo ba ng tulong Ija?" Tanong nito.
Nasabi niya sa kaniyang sarili. 'Diyos ko, ano ba naman itong isinugo mo?' Ngunit desperada na siya, hindi niya na alam ang gagawin. Kahit wala siyang tiwala sa magagawa ng matanda ay kailangan niya paring subukan.
"Hindi ko po kasi mabuksan ang pinto ng kotse ko, nag-aagaw buhay na po ang anak ko," umiiyak niyang saad habang hindi mapakali sa kinatatayuan.
Bumaba ang matanda mula sa kinauupuang bike at agad na lumapit sa pinto ng driver seat. May inilabas itong nga mga alambre at kinalikot ang lock ng kaniyang pinto.
Agad niyang niyakap ang matandang lalake nang balingan siya nitong nakangiti dahil nabuksan na ang pinto ng kaniyang sasakyan. Hindi niya na inisip ang ruming didikit sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagyakap.
"Salamat po, napakabuti niyo,"
"Naku ija, kakalabas ko lang ng kulungan dahil sa pagnanakaw ng sasakyan," nahihiya ngunit nakangiti nitong sagot.
Muli ay binigyan niya ito ng isang mahigpit na yakap.
'Salamat diyos ko, dahil nagpadala ka ng mas eksperto na talagang sa akin ay makakatulong.'
---
'𝓨𝓮𝓼𝓽𝓮𝓻𝓭𝓪𝔂 𝓲𝓼 𝓰𝓸𝓷𝓮. 𝓣𝓸𝓶𝓸𝓻𝓻𝓸𝔀 𝓱𝓪𝓼 𝓷𝓸𝓽 𝔂𝓮𝓽 𝓬𝓸𝓶𝓮. 𝓦𝓮 𝓸𝓷𝓵𝔂 𝓱𝓪𝓿𝓮 𝓽𝓸𝓭𝓪𝔂. 𝓛𝓮𝓽 𝓾𝓼 𝓫𝓮𝓰𝓲𝓷.' --- 𝓜𝓸𝓽𝓱𝓮𝓻 𝓣𝓮𝓻𝓮𝓼𝓪

YOU ARE READING
One Shot Stories (COMPILATION)
Fiksi UmumMy one shot stories are here. Highest Ranks: randomgenres: #6 oneshotstories: #108