"ANG MISTERYO NG TULAY"
"Pre, kailan ka lang dumating?" Tumakbo si Ricardo papalapit sa 'kin habang nasa labi ang isang malapad na ngiti, ang excitement ay nasa kaniyang mukha.
"Kanina lang, pre." nakangiting sagot ko at niyakap siya.
"Kamusta buhay Maynila?" tanong niya habang magkaakbay kaming naglalakad papunta sa bahay nila.
Kauuwi ko lang dito sa probinsya namin. Masaya ako at kilala pa ako ng mga tao rito kahit na mahigit sampung taon akong nawala.
"GREG!" rinig kong sigaw ng isang lalakeng kalalabas lang ng bahay.
Lumapit siya sa 'kin at agad akong niyakap. "Buti naman umuwi ka!" Nagsilapitan na rin ang iba ko pang kababata dati at bakas sa kanilang mukha ang saya.
"Fiesta na kasi bukas kaya nagmadali na 'kong umuwi." nakangiting saad ko habang nag-iinuman kami.
"Kamusta buhay Manila? Balita namin asenso ka na do'n ah?" Nagsitawanan silang lahat.
Ininom ko ang alak na nasa shot glass ko. "Ayos naman." nakangiting usal ko.
"Nakakainggit ka naman, Greg. Ang alam ko ay nakapagtapos ka ng pag-aaral." nakaguhit ang kungkot at panlulumo sa kanilang mga mata.
"Bakit?"
Nagsitinginan silang apat. "Kami kasing apat ay hindi na pinag-aral simula noong umalis ka. Tumulong na kami sa pagsasaka. Ano na ba ang trabaho mo ngayon, pre?"
"Isa na 'kong pulis," taas-noong sabi ko.
"Talaga?" Gulat at mangha ang bumalatay na ekspresyon sa kanilang mga mukha.
Tumango ako at nagpatuloy sa pag-inom. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga bagay na nangyare no'n magkahiwalay kaming lima. Napag-alaman ko rin na ang iba sa kanila ay may asawa't anak na.
Hating gabi na nang matapos kaming uminom at magsaya. Napahaba ang aming kwentuhan dahil lahat kami ay galak dahil nakompleto muli kaming magbabarkada.
"Pre, uwi na 'ko." paalam ko, tiyak akong tinamaan na 'ko ng alak.
"Pre, dito ka na lang matulog, baka tulog na 'yong mga tao sa inyo." anyaya ni Jose.
Umiling ako. "Pre, disperas ngayon tiyak akong gising pa ang mga tao do'n." nakangiting sabi ko saka sinindihan ang sigarilyong nasa pagitan ng labi ko.
"Pre, dito ka na lang alas dose na, oh." segunda ni Miyo.
"Pre, dala ko kotse ko." pagpipilit ko.
Umiling si Miyo. "'Wag ka ng umuwi, pre, dilikado." Nagkatitigan silang apat at kita sa kanilang mata ang pangamba at pag-aalala.
Kumunot ang noo ko dahil sa mga inaakto nila. "Bakit ano bang meron at ayaw niyo 'ko umuwi?"
"Pre, may sabi-sabi dito sa 'tin na hindi pwedeng dumaan sa tulay tuwing alas dose hanggang alas tres na madaling araw nakakalimutan mo na ba?"
Alam kong wala pang tama ang apat kong kaibigan kaya nakinig ako.
"Kung ayaw mong may mangyareng masama sa'yo dito ka na lang..." umupo ulit si Jose sa tabi ko at tinitigan ako. "Maging kami ay kinikilabutan sa tuwing dumadaan sa tulay na 'yon. May namatay na rin do'n sa tulay, pre, ang sabi ng iba ay mga batang pinatay raw do'n mismo sa tulay ang pumapatay."
Umiling ako at natawa. "Pre, nandito pa 'ko no'ng panahong hinanap ng mga pulis ang mga sinasabing bangkay ng mga bata pero hindi ba walang nahanap." Nilabas ko ang usok sa bibig ko. "Kasi hindi naman 'yon totoo at kailanman ay hindi ako naniwala sa mga sabi-sabi dito sa 'tin." pagkasabi no'n ay tumayo ako at dinampot ang susi ng kotse ko.

YOU ARE READING
One Shot Stories (COMPILATION)
Ficção GeralMy one shot stories are here. Highest Ranks: randomgenres: #6 oneshotstories: #108