"NAKAGAWA NA TAYO NG VIRUS," masayang pagbabahagi ni Sir Marfossi, head ng aming team.
We are scientists. Research dito research doon. 'Yan ang lagi naming ginagawa at ang main reason namin ay ang makagawa ng virus, at nagtagumpay kami.
"Woah, congrats! Nasabi na sa'kin ni Layla ang balita." My husband Xereno said. Si Layla ang kinamumuhian kong katrabaho, let's say na nagseselos ako sa kanila.
Pinandilatan ko siya.
"Hey, honey may problema ba?" Hinaplos nito ang aking pisngi. Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin sa computer namin dito sa loob ng aming kwarto.
"XERENO WHAT ARE YOU DOING!" Sigaw ko nang kargahin niya ako. Walang pasabing ihiniga ako nito sa aming kama at agad akong kinubabawan.
Curse this man.
Hinalikan ako nito sa labi at agad akong nakaramdam ng kakaibang kiliti sa aking kaloob-looban. Tila ba nag-aaway ang aking mga laman loob sa aking tiyan.
"S-Stop X-Xereno," buti na lamang ay nakinig ito. Umalis siya mula sa pagkakakubabaw sa akin, umupo siya sa tabi ng kama at agad sinabunot ang sariling buhok.
Alam ko na ang iniisip niya.
Tumabi ako sa kaniya ng upo, ihinilig ko sa kaniyang braso ang aking ulo. "Hey, you okay?"
"I'm sorry,"
"It's okay,"
"Anemarie, I know hindi ka pa handa ng pakasalan mo ako so don't pretend that it's okay." Nanghihinayang, nasasaktan at maawtoridad ang tono ng kaniyang boses.
Bumuntong hininga ako. "Xereno, you're my husband at ayos lang sa'kin lahat pero 'wag muna ngayon. Nasa gitna tayo ng operasyon at ayaw kong maisilang ang ating anak sa magulo nating mundo."
Kumalma ang kanina niyang galit na mata nang idapo ito sa akin. Binigyan ko siya ng isang mabilis na halik bago lumabas ng aming kwarto.
Nagsisilbi ng bahay namin ang laboratory namin dahil hindi kame masyadong nakakalabas dahil malayo ito sa mga tao at masyadong delikado para sa aming mga siyentista ang lumabas dahil nga sa gumagawa kami ng virus.
Kaya kami nautusang gawin ito upang maibigay at maikalat ito sa sangkatauhan at mapakonti ang populasyon ng mga tao sa buong mundo. They want us to kill humans.
---
"May napili kaming dalawang tao upang pumunta sa planetang mars upang doon magsaliksik at magparami ng lahi." Sir Marfossi said.
Nandito kami ngayon sa loob ng conference room upang talakayin ang bago nilang plano. At 'yon ay ang ituloy ang race ng mga tao sa ibang planeta.
Iyon ay kung kaya nga ba.
"Sir, may I ask? Wala na po ang chemicals na naglalaman ng virus sa basement saan po napunta?" Mr.Cataylo asked.
Pansin ko ngang wala na ang mga ito kaya mas nakinig ako. May kutob kasi ako kung kaya't wala na ang mga ito sa pamamalaga namin.
"Nakuha na ang mga ito last week at nadistribute na sa mga tao sa iba't ibang bansa." Sa sinagot ni Sir Marfossi ay nakumpirma kong tama ang aking kutob.
The virus is now spreading.
Sa gitna ng aming pag-uusap ay biglang tumunog ang emergency phone ng aming headquarter. Bakas sa mukha ng lahat ang gulat at pangamba habang papalapit si Sir Marfossi sa kinaroroonan nito. Nilagay ang emergency phone upang matawagan kami kapag pumalpak kami, at ito ang unang beses na nagring ito.
"Hello?" Nanatili kaming tahimik na nakamasid kay Sir Marfossi.
"Yes, yes, sige, oo, papunta na kami." Bakas ang taranta sa boses ng head namin kaya alam na namin kung anong meron.
YOU ARE READING
One Shot Stories (COMPILATION)
Ficción GeneralMy one shot stories are here. Highest Ranks: randomgenres: #6 oneshotstories: #108