Part 3

1.1K 32 1
                                    

KIM UNIVERSITY, SEOUL, SOUTH KOREA

LISA'S POV

"You wouldn't believe this, Lis!" I rolled my eyes sarcastically bago ibaling ang tingin at atensyon ko sa kaibigan ko

Nakaupo kami ngayon sa loob ng gymnasium ng university since lunch time palang naman, wondering what happened last night? Well natulog ako na masakit ang katawan mula sa mga sapak at hampas na natamo ko mula kay Chaeyoung and guess what? Yung supposed to be dinner namin last night? Kinain niya yun lahat. Mag-isa, hindi niya man lang ako binigyan

"Lis! Are you even listening?!" Putcha talaga yang pa-ingles ingles niya, na-nonosebleed ako kahit may alam ako sa salitang ingles

Palibhasa kasi naka-apak sa lupain ng United States of America na wala namang pinagkaiba sa lupa natin dito sa Pilipinas. Bakit ba? May gold ba yung lupa nila dun?

"Ano ba kasi yang sasabihin mo, Jeon?!" Naiinis ng sigaw ni Chaeyoung kay Jungkook

"Guess what?" Guess what na naman?!

"Guess what ka ng guess what! Sabihin mo na!" Naiinis kong sigaw sa kanya

Paulit-ulit ba yang guess what niya? Wala bang matinong sagot mula sa kanya?

"Guess wha—aray ko naman!" Napadaing siya sa sakit ng batuhin siya ng empty can ng coke ng kapatid ko

Boom desurb!

"Ano nga?!" Iritang sigaw sa kanya ng kapatid ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Oh tingnan niyo

Ewan ko kung anong nakain nito, lasing yata 'to eh

"Yung, boyfriend ko kasi. Sabi niya mukhang lalabas na daw kami" Lalabas sila? Saan ba sila lalabas? Sa bahay nila?

"Yun lang, lalabas kayo? Tapos ganyan ka kabaliw?" Hindi naman makapaniwalang sabi ni Chaeyoung

"Ikaw kaya ipapakilala sa pamilya hindi ka ganyan kabaliw?!" Ah, gets. Ngayon lang, pramis

"Edi sana pina billboard mo" Tugon ko sa kanya saka ibinalik ang atensyon sa pag-aaral

Akala mo talaga nag aaral eh no? Eh dala-dala ko lang naman 'tong notebook ko kasi dito ko nililista lahat ng utang sa akin ng kapatid ko

"Aray, Jeon!" Inis kong reklamo sa kanya

Binato ba naman ako ng lata nung coke na binato sa kanya ni Chaeyoung kanina

"Dapat kasi in-explain mo" Mahina kong sabi kaya natawa nalang si Chaeyoung sa pinaggagagawa namin

"Oh guess what, Lis. May kakilala ako, lesbiana" Sabi pa niya

"Eh ano ngayon" Tugon ko naman sa kanya

"Wala lang gusto ko lang i-share" I rolled my eyes

Letche talaga!

"Letche!" Mahina kong bulong na alam ko namang narinig rin nila

Napunta naman ang tingin ko sa mga babaeng naglalakad papalapit sa amin. Hay ano na naman ba ang kailangan nila?

"Jeon! Why are you hanging out with them?! They look disgusting" Nandidiring sabi pa ni Veronica

"Disgusting mo mukha mo" Bulong ni Jungkook

"Her name reminds me of the perfume, yung may secret yung name ng pabango" Dagdag pa ni Jungkook

Pabango? Secret? Saang planeta 'to nakatira?

"Bobo" Natatawa kong sabi sa kanya

"Ha?" Slow pa talaga amp.

Falling, Fallen | JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon