Part 13

980 25 5
                                    

Jennie's Pov

Kakagising ko lang. Yung mga dadalhin ko, naimpake ko na, ewan ko lang dun sa isa. Napukaw naman ang atensyon ko nang biglang may tumawag sa phone ko

"Hello? Mr. Han?" Sabi ko pa

"Napaaga yung flight niyo ni Lisa, imbis na 9AM from Incheon eh naging 8AM" Sabi pa ni Mr. Han

Naku, mabuti nalang at nakapag-handa ako. Pagkatapos niya kong sabihan ay ibinaba ko na ang tawag pagkatapos ay nagtungo ako dun sa kwarto nung isa

Nung kumatok ako, clear yung linya, walang sumagot kaya't binuksan ko yung pinto revealing her sleeping figure, papasok na sana ako nang mapansin ko si Chae

"Side effect nung gamot, mahimbing siyang natutulog" Pagpapaalam niya pa sa akin kaya tumango lamang ako

I entered the room at lumapit sa kanya, bahagya ko siyang inalog para naman magising siya, she only stirred pero bumalik sa pagkatulog muli

"Lisa-yah" Tawag ko pa sa kanya ngunit hindi siya gumalaw

"Lis" Tawag ko pa, thankfully ay naimulat niya ang mata niya

"Nag-impake ka na?" She only shook her head

Aish, ano ba yan. Bakit ko pa kasi siya pinakain nung crabs kagabi hindi na tuloy siya nakapag-impake, baka maiwan pa kami ng eroplano nito hayst.

"Get up at maligo ka na, let's eat. 8AM yung flight natin ngayon, I'll just ask someone to pack your things" Utos ko sa kanya na ginawa naman niya

Iniwan ko siya sa loob ng kwarto niya nang makalakad na siya patungo dun sa banyo pero bago yun ay ako na mismo ang nag-handa nung susuotin niya for today. Trip ko lang

Pag-baba ko, nadatnan kong kumakain sila Chae at Unnie, kaloka di man lang ako sinabihang dito na pala siya kakain. Tsk, third wheel na naman ba ako? Bumaliktad yata yung mundo

"Si Lisa?" Tanong ni Unnie sa akin

"Naliligo pa" Sabi ko pa bago tinawag ang isang maid ko

Lumapit naman ito agad sa akin kaya inutusan ko na siya na i-pack ang gamit ni Lisa

"Paki-pack yung mga gamit na dadalhin ni Lisa pag nakalabas na siya sa kwarto" Utos ko pa, tumango naman yung maid

Naupo na ako at nagsimulang kumain, hindi naman masyadong tumagal nung bumaba na rin si Lisa kaya't niyaya na siya ni Unnie na kumain

We finished eating exact seven thirty ng umaga, we only have thirty minutes tapos twenty minutes pa yung biyahe papunta sa airport kaya't pagkatapos naming i-check lahat ng mga gamit na naimpake ay agad na kaming bumyahe patungong airport

Business class kami ngayon, ginamit kasi nung aso kong kapatid ang isa kong private plane, eh kasi daw may world tour yung mga yun at nahihirapan daw silang i book yung flight for their European Tour since nagkaka-aberya yung dapat nilang sasakyang eroplano kaya hinayaan ko na

Besides itong plane na sasakyan namin ay pag-aari naman nung pamilya ni Taehyung kaya easy lang

Magkatabi kami ni Lisa, syempre ayaw ko naman siyang maging asong gala no, publicly girlfriend ko siya baka ano ano na yung sasabihin ng iba

"Inaantok pa ako Jen" Angal niya habang shinut-down niya yung laptop na pinahiram ko sa kanya

"Then sleep" Pag-susungit ko pa sa kanya

Iilang minuto na akong naka-tutok sa pinanonood kong series dito sa laptop kong isa ng mapansin ko ang pagkatamihik niya, nang lingunin ko siya. Tulog na pala

Falling, Fallen | JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon