LISA'S POV
Kakagising ko lang, hindi na ako sumama kila Kai at Jisoo kagabi. Wondering how Jisoo and i get along?
Well nalaman kong may gusto nga siya kay Chaeyoung tapos ayun na nagkausap kami and then the three of us clicked kaya nagkakiala na kami
Kai said na baka daw ay sa susunod ay ipapakilala niya ako sa mga ka-groupmates niya, ang sabi pa nga ni Jisoo sa akin, mga crackheads rin daw ang mga iyon kaya mas madali kaming magkakilala dahil punong puno naman daw kami ng kabaliwan
Pero si Jennie, since last night ay hindi niya ako kinausap, tinanong ko si Chae kagabi, ang sabi niya tulog na daw siya kaya di ko na inabala pa
Mag-seseven palang kaya pumasok na ako sa banyo kaagad at inihanda na ang mga susuotin ko, morning routine naman ang ginawa ko pagkatapos ay nagritual na ako sa banyo. Nag-ayos ng buhok, nagpaganda at nagpagwapo. Sinuot ko na ang sapatos ko para ready to go
Mag-seseven thirty palang nung natapos ako, dumiretso ako sa dining area pagbaba ko at doon ko nadatnan si Manag Fe na nagluluto
Gising na kaya siya?
"Magandang umaga po" Bati ko sa kanya
"Magandang umaga rin Lisa, si Jennie maagang umalis, hindi na nga yun nag-breakfast eh. Pero ang sabi niya si Mr. Han daw muna ang maghahatid sa inyo ngayon pero si Chris ang magsusundo" Tumango na lamang ako
Siguro ay masama pa rin ang loob ni Jennie kaya iniiwasan niya kami
"Maaga ka yatang nagising" Sabi pa ni Jisoo na kakagising lang rin, kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa kinatatayuan ko
Nginitian ko lamang siya
"Si Jennie?" Paghahanap pa niya sa pinsan niya
"Maaga daw umalis" Tugon ko pa
"Nagtampo yata ang pusa mo, Lisa-yah" Sabi pa niya
Tanging isang tingin lang ang naging tugon ko kay Jisoo bago naupo
Mag-iilang minuto pa ay bumaba na si Chaeyoung kaya't nag-almusal na kami.
Sasama daw si Jisoo sa University, tutal tapos naman na daw yung mga pinagawa ni Jennie sa kanya, gusto niyang mag-libot, at makalanghap ng fresh na hangin. Nabobored naman daw siya kung siya lang mag-isa kaya ayun gustong sumama
"Mamaya, mag-sorry kayo" Malamig na utos ni Chaeyoung sa amin na agad kong ikinagulat
Anong nangyari dito?
Teka, kelan naging ganito kapatid ko? Nakakahawa ba yung sakit ni Jennie este yung personality at trait ni Jennie?
"Ha?" Tanong ko pa
"Magsorry-" Pero binara siya ni Jisoo
"Hakdog"
Mukhang nahawa siya sa pinsan mo kaya humanda kang pagong ka na kuneho na ewan ko basta mukha kang animal este hayop pero parang mali yata pandinig ko, iba kasi yung dating ng animal sakin eh napanoon ko kasi yun sa YouTube may nagsasabing animal ka daw parang iba yata tapos yung hayop naman kadalasan kong naririnig dun sa mga gyera na may namamatay eh malamang gyera nga. Ano ba kasi dapat, animal ba o hayop? Pareha lang naman yun diba?
"Sawa ka na sa buhay mo, Kim Jisoo?" Pagtatanong pa ni Chaeyoung pero mukhang malagim yata, nakakatakot
Mukha siyang, ah basta baka madamay pa ako
"Oo" Wala namang pake-alam na sabi ni Jisoo.
Potangina mo talaga, Chu. Basta labas ako rito, ayaw kong madamay
BINABASA MO ANG
Falling, Fallen | Jenlisa
Fiksi Penggemar[|Completed/Under Revision|] [SUPER SLOW UPDATE] A story where Jennie Kim met the one and only Lalisa Manoban. Would their meeting creates a war between the both of them or it will be the cause why one of them is falling or have already fallen Lisa...