Part 5

1K 29 1
                                    

SEOUL, SOUTH KOREA

LISA'S POV

"Woi, aga natin nagising ah" Sabi pa ni Chaeyoung nang makita niya ako sa kwarto ko

Nag-aayos ako, syempre alangan naman pumunta ako doon na mukhang dugyot no? Nakakahiya yun

"Syempre, paghahandaan ko yung sinabi ni Jungkook no" Tugon ko pa sa kanya habang nakatingin sa salamin ko sa kwarto

"Magandang gwapo ako no?" Sabi ko pa habang nag po-pose pa sa salamin hoping na sumang-ayon siya sa sinabi ko

Sumang-ayon ka na lang

I was wearing simple clothes since ito lang yung meron ako. But instead of hearing her complimenting me ay nakatanggap ako ng sapak mula sa kanya, pero hindi naman malakas she just did it in a playful manner

"Pinagsasabi mo?" Natatawa pa niyang sabi bago lumabas ng kwarto ko, mag-luluto na daw siya ng makaalis na ako at maging maaga dun sa pupuntahan ko since wala naman kaming klase dahil may emergency meeting na kinunduct ang school of their officials na nakatakdang ganapin ngayong araw

Si Jeon naman, sabi niya baka hindi daw siya makasama sa akin dahil may importante daw siyang pupuntahan kaya mukha ako nalang mag-isa ang papasok sa kuta ng kalaban

Pero sabi naman ni Jeon ay sabihin ko lang daw na ako yung sinasabing babae ng bebe niyang si Taehyung para daw makilala nila ako at papasukin sa kumpanya since hindi daw basta-basta nagpapapasok doon ng kahit kanino lalo na sa opisina ng CEO

Naks grabe naman ang security

Eh ang problema dahil hindi ako into business world ay hindi ko kilala ang CEO kaya medyo kinakabahan ako, hindi ko naman magawang mag-search dahil wala naman akong selpon tapos yung kay Chaeyoung luma na at sira kaya wala talaga kaming ways para sa ganyan.

Yung mga kailangan i search sa school namin ay tanging library lang ng eskwelahan at ang tanging utak lang namin ang nagiging tulay para makuha namin ang tamang sagot

Though alam ko naman gumamit ng phone dahil minsan na rin akong pinahiram ni Jeon pero nahihiya ako manghiram sa dami ba naman ng mga naitulong niya sa amin, ayaw ko namang abalahin pa siya sa mga ginagawa niya.

Kapag nagpapasundo kasi si Chaeyoung ay tumatawag siya sa kapitbahay namin para masabi sa akin ang kinaroroonan niya para masundo ko siya

"Hoy!" Nagulat naman ako at napatalon ng magsalita si Chaeyoung malapit sa tenga ko

"Wala ka bang balak kumain? Sabi ni Jungkook kailangan 8AM nandun kana dahil may meeting pa daw yung CEO pagpatak ng 9AM" Ay bobo, muntik ko na palang makalimutan.

Salamat nalang sa lahat Park Chaeyoung

Well as i said na magkapatid lang kami sa ama ay hindi niya dala ang apelyido ng Daddy namin kundi dala niya ang apelyido ng Mommy niya. That's the least thing to do daw kuno sabi ni Dad dahil iyon ang huling hiling ng Mommy niya nung mag-break silang dalawa ni Dad

Kaya hanggang ngayon ay ang tingin ng iba sa amin ay mag-jowa dahil nga magkaiba ng apelyido at hindi rin halatang magkapatid

"Ay oo nga pala" Sabi ko pa at nauna ng bumaba habang siya naman ay nakasunod lamang sa akin

Tahimik lamang kaming kumain, nauna siyang natapos since may-work pa siya sa bar. Kailangan kasi sila ngayon dahil nagkaroon ng party kagabi dun sa venue kaya medyo makalat, marami-rami naman daw sila kaya keri nalang daw at least may kita

"Uy, Lis. Mauna na ako, mag-iingat ka" Bilin pa niya sa akin bago ako tumango at nakita na siyang umalis

Naghanap naman ako ng masasakyang taxi dahil medyo malayo ang pupuntahan at mukhang kakasya naman ang perang naitabi ko nung mga nakaraang araw.

Falling, Fallen | JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon