LISA'S POV
"Love" I whined habang tinatawag siya.
Papano eh kanina pa ako nito hindi pinapansin
Napatingin lang naman ako dahil maganda yung babae eh, pero sa kanya pa rin naman ako uuwi, nag-seselos siya agad
Napakaselosa ng demonyitang to talaga. Hmp.
"Love mo mukha mo" Galit niyang sabi sa akin
"Mahal..." Pagtawag ko pa
"Baby ko..."
"Mahal"
"Babe"
"Honey"
"My love"
"Sweety"
"Boo"
"Yeobo"
"Mahal ko..."
"Jennie" Pagtawag ko pa pero hindi niya ako nilingon
Napansin ko namang nasa floor na pala niya kami, at nauna na siyang pumasok sa opisina niya leaving me here
Tangina...
"Hays" Sabi ko pa habang napapansin ang unti-unting paglapit ng oras sa ala-una
"Lisa? Let's go? Malelate ka na sa afternoon classes mo" Sabi pa ni Chris kaya't wala akong choice kundi ang iwan si Jennie at magtungo na pabalik sa University
Pero sige lang, sasaya pa siguro yung demonyong yun pag nalaman niyang umalis ako
Syempre ayaw nun sa pagmumukha ng baby loves niya ngayon kasi nagseselos eh.
Iilang minuto lamang ang biyahe papunta doon. Exact one nang makapasok ako sa room. Dumiretso na kaagad ako malapit kay Jungkook, doon naman kasi ako nakaupo
"Oh ba't ngiting aso ka diyan?" Tanong ko kay Kookie na nakatunganga sa selpon niya
"Si Taehyung, omaygad!" Umasim yata ang tingin ko sa kanya, jusko bakla nga talaga, kung makatili wagas
"Anyare?" Tanong ko pa
"Sabi niya dadalhin niya daw ako sa, oh may gad!" Naku, magsasalita na nga lang di pa matapos-tapos. Nakakainis na Jungkook, baka yang lalake mo, mapapatay ko na
"Saan nga?!" I whined asking him
"Sa ano nga! Omaygad!" Tili pa niya kaya nasapak ko na nga siya
Nakakainis eh, sarap batukan, naiinis ako wag kayong ano. Inisnob ako ni Jennie tapos siya titili-tili lang dahil nga dadalhin siya sa kung saan nung jowa niya, jusko hindi yan pe-pwede. Hindi pwedeng ako lang yung talunan, aba sinabi niyang magkaibigan kami kaya kung inisnob ako, dapat siya inisnob din nung jowa niya para it's atay, ay bobo its a tie pala yun
"Naku Jeon, bakla ka. Nanggigigil na ako sayo" Nanggigigil ko pang sabi
"Ay sori sori, eh kasi naman dadalhin niya daw ako sa kainan ni Aling Teresa mamaya" Biglang nag-iba ang timpla ko, gago
Tili pa siya ng tili masyado tapos yung bagsak, sa isang kainan lang pala ni Aling Teresa dadalhin. Anong nga pala yung gagawin nila dun? Eh sobrang suplada nung si Aling Teresa, baka yung kainin nila dun sandamakmak na mga salita niya
"Ewan ko sayo" Malamig kong sabi at nag-focus na nga sa leson ni Professor in front
Sana hindi na mag-mamaldita yung pusa ko, hindi naman na kasi ako uulit eh, sa kanya lang kaya ako titingin, baka nga hindi lang titingin eh, alam niyo na, baka sa kanya lang ako-
BINABASA MO ANG
Falling, Fallen | Jenlisa
Fanfiction[|Completed/Under Revision|] [SUPER SLOW UPDATE] A story where Jennie Kim met the one and only Lalisa Manoban. Would their meeting creates a war between the both of them or it will be the cause why one of them is falling or have already fallen Lisa...