SEOUL, SOUTH KOREA
LISA'S POV
Actually hindi ako masyadong nakatulog kagabi, may nakabangga kasi ako.
Babae, maganda kaso suplada na may pagka maldita na ewan ko ba basta maganda. Grabe hindi ko makakalimutan yung pinaka-magandang nangyari dun nung banggaan namin, pumatong na kase siya sa akin so bale ako yung bottom
Atleast doon lang ako bottom
Yung mukha niya, namumula nung napansin ko pero di ako sigurado baka imagination ko lang yun
"Hoy, Manoban! Ano na naman yang iniisip mo?" Pag-mamaldita pa ni Chaeyoung kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin
Kahit kailan talaga, parang araw-araw 'to nireregla
"May nakabangga kasi ako, maganda" Pag-sisimula ko pero tiningnan niya lang ako na parang ewan basta
"Eh ano ngayon, jojowain mo?" Tanong pa niya
Umiling lang ako bago nagsalita
"Hindi pa, pero in future. Jojowain ko si Ms. Cat eyes, oh my ghad. Mababaliw ako sa ganda niya, pang miss universe!" Sabi ko pa
Ngumiwi siya habang nakatingin sa akin
"Nababaliw ka na nga, ewan ko sayo" Tugon niya bago ako iniwang nakaupo sa sofa ng bahay
"Hoy, Chiyong! Saan punta mo!!?" Pahabol ko pang tanong ng mapansin na hindi pa siya nakakalayo
"Kay Jisoo my loves!" Tugon niya sa sinabi ko
May pa Jisoo my loves ka pang nalalaman tapos sinabi mo lang nababaliw na nga ako eh ikaw nga itong baliw na talaga one hundred percent diyan sa inaasta mo.
My loves my loves, wala namang kayo!
"My loves nga, di naman jinowa" Sabi ko pa na hindi na namalayang isang lalaking may mukhang lampaso na ang nakapasok sa bahay namin
"Bitter mo naman, pa kiss nga" Malokong sabi pa ni Jungkook palibhasa kasi may jowang mayaman pero bakla
"Sapak gusto mo!" Pananakot ko pa sa kanya
Napa atras ito at mukhang takot
Aba dapat lang
"Sabi ko nga wag na" Tugon niya pa saka naupo sa tabi ko
Naiinis ako na may mga taong bigla-biglang dumarating sa bahay ng hindi man lang tumatawag
Baka kasi isang araw may dumating na isa sa kanila tapos mukhang basurahan tong bahay namin tapos makalat pa edi minus points na 'yon
"Bakit ka nandito?" Malamig kong tanong ng maramdaman ko ang isang nakakabinging katahimikan na namumuo between sa aming dalawa
Syempre umalis si Chaeyoung, alangan naman may kasama kayong multo diba?
"Need mo ng piso diba?"
Piso? Amp. Aanhin ko 'yan? Ibibili ko ng kendi?
Pero kahit piso lang yan, kailangan ko yan, hindi ka magkakaroon ng isang daan kung walang piso no
"Piso lang?" Tanong ko pa, mayaman to pero di ako nangungupit no, kahit wala na mga magulang ko napalaki kaya nila ako ng tama.
Saka hindi ako nabuhay para magnakaw at mangupit ng perang di sakin no, anong akala niyo sa akin?
"Akala mo ba mag-ooffer ako sayo kung piso lang naman makukuha mo?!" Galit-galitan pa niyang sabi kaya hinampas ko balikat niya causing him to jump out of pain
BINABASA MO ANG
Falling, Fallen | Jenlisa
Fanfiction[|Completed/Under Revision|] [SUPER SLOW UPDATE] A story where Jennie Kim met the one and only Lalisa Manoban. Would their meeting creates a war between the both of them or it will be the cause why one of them is falling or have already fallen Lisa...