Part 10

1K 30 3
                                    

JENNIE'S POV

Kakauwi lang namin from the office, ni hindi nga ako na-inform na nauna ng umuwi si Chaeyoung but i understand naman, those two don't have my number

Si Lisa? Well she went straight to her room, pagod daw siya kaya hinayaan ko na, Chaeyoung is the only one with me dito sa living room, well we kinda get along

She's good to talk to at napakakumportable niya kasama, she's currently studying right now while i am sitting on the couch watching TV

And oh i forgot to mention, nandito si Jisoo, nandoon siya sa kitchen kasama si Manang. Pinapapak yung manok na para sana sa hapunan

Actually hindi ko inakalang magkakilala pala sila ni Chaeyoung. I mean, pagdating kasi niya dirediretso siya agad kay Chaeyoung, nag-usap sila tapos nakaramdam ng gutom kaya ayun, sa kusina ang bagsak. She didn't saw Lisa pa, kasi nung pina-check ko kay Jane yung kwarto niya sabi niya kasi, tulog daw kaya pinagpahinga ko muna. I'll just order somebody to wake her up later

"Ms. Kim, ready na po ang hapunan" Pagpapaaalam sa akin ni Beth, isa siya sa mga matagal ko ng katulong dito

Tinanguan ko na lamang siya hanggang sa mapansin ko ang paglapit ni Manang Fe sakin

"Ako na ba ang gigising kay Lisa o ikaw nalang Jennie?" Tanong pa niya sa akin

"Ako nalang po, para naman makapagpahinga na kayo" Sabi ko pa

Sinundan ko ng tingin ang pag-alis niya pagkatapos niya akong pinakitaan ng pag-tango nang marinig akong tumugon sa tanong niya. Agad akong tumayo sa kinuupuan at inakyat ang sarili sa ikalawang palapag

Dinala ko ang sarili sa harapan ng pinto ni Lisa. Bago ko paman ito binuksan ay kumatok muna ako ng iilang beses

Kahit na bahay ko itong tinutuluyan niya at kahit pagmamay-ari ko itong lugar ay pinapahalagahan ko pa rin ang privacy niya

Pagpasok ay ang natutulog niyang pigura ang tumambad sa akin

Natatabunan ang kanyang katawan ng comforter habang nakatagilid siyang natutulog. Sa palagay ko ay mahimbing siyang natutulog lalo na't pansin ko ang sunod-sunod niyang paghikab kanina pa lamang.

Alam kong pagod siya kaya hinayaan kong magpahinga

I walked towards her sleeping figure until we're only inches apart.

Ilalapit ko na sana ang aking kamay sa balikat niya upang siya ay gisingin na nang bigla nalamang akong nagulat nung bumukas ang dalawa niyang mata habang nakatitig sakin

"Ugmm..."

She cleared her throat making me realize our closeness

And what i just said was closeness, which meant our closeness. Ilang inches na lamang ang layo naming dalawa kaya't nailayo ko ang sarili mula sa kanya

"Ah... ano. Ka-kakain na kasi. Gigisingin... sana kita. Bumaba ka nalang" Mabilis kong sabi bago tumakbo papalabas ng silid

Ramdam ko ang nag-iinit kong pisngi

Which i think it was because of embarrassment

Mabilis pa kay flash akong bumaba sa hagdanan papunta sa dining area kung saan muntikan ko ng makabangga si Chaeyoung

"Unnie? Anong nangyari? Bakit ka tumatakbo?" Takang tanong niya sa akin

Well she calls me unnie now magmula nung malaman niya kagabi na mas matanda ako sa kanya

"Wa-wala" Sabi ko pa habang hinihingal

"S-saan ka pupunta?" Tanong ko naman sa kanya

What did i do? Ano yun?

Falling, Fallen | JenlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon