55

155 6 0
                                    

Malawak ang ngiti ko ng sinalubong ko sya. Tumakbo sya ng mabilis papunta sa pwesto ko at inambahan ako ng mahigpit na yakap. I giggled as I hug her back.

"Gosh, I miss you babe"medyo pumiyok pa ang boses nya ng sabihin 'yun kaya natawa ako.

"I miss you too, Lumi"humiwalay na kami sa pagkakayakap sa isa't-isa.

Today is the day na magpo-propose si Fall kay Lumiere. I stared at her for a minute and notice the few changes in her. Iba na yung aura na pumapalibot sa kanya. I mean, she's still the Lumiere that I know but the better version.

Simula ng maging doctor sya at ako sobrang dalang na lang namin mag-usap pero nagagawan pa rin naman naming dalawa.

"Kung hindi pala maaksidente si Fall di ka talaga uuwi?"tanong ko sa kanya. She avoided my gaze. Napailing na lang ako at palihim na ngumiti.

"Alam mo namang hindi ko pwedeng iwan na lang basta si Mama dun na mag-isang mag-aalaga kay Papa"

I sighed loudly. Pareho kaming nagkaroon ng problema at wala ako sa tabi nya nun. "At mahirap din para sakin ang magsinungaling na wala akong alam sa pag-alis mo" I reasoned. Kung si Rendo sa chat lang ako ginugulo si Fall naman chinachat ako at pinupuntahan ako sa hospital kung may oras sya para lang kulitin ako na sabihin sa kanya kung na saan si Lumiere. Isa sya sa mga nagbigay ng pasakit nung residency ko.

"I know. I'm sorry"humina ang boses nya ng sabihin nya 'yun.

"You should be. Nabasa mo na ba mga messages nya sayo?" I asked here while we started walking through the car. Nauna akong pumasok sa kotse.

I texted Rendo na kasama ko na si Lumiere at ng makapagprepare na si Fall sa pang-oscar nyang acting-an. Pinaandar ko agad ang engine ng sasakyan ng makasakay sya sa passenger seat.

We were both silent the whole ride hanggang sa makarating kami ng hospital. Maayos kong nai-park ang sasakyan ko. Natanggal ko na rin ang seatbelt ko pero hindi pa rin kumikilos si Lumiere at nakatulala lang. I shook my head.

"Hey tara na"tawag pansin ko sa kanya. Nagitla ito at parang natauhan bigla.

"Oh"

Nauna ako bumaba ng sasakyan at sinara ang pinto ng kotse.

"How is he?"tanong nya ng makasunod kaagad sya sakin.

"Ngayon? O dati?" I asked her back.

"Both"she answered.

"Hmm. Nung umalis ka ako yung una nyang tinanong kung na saan ka. Ofcourse sinabi kong hindi ko alam kahit na alam ko talaga. Hindi na nya ako kinulit after nun. He changed actually a lot. He became serious about his studies, napansin naming lahat yun lalo na sa tuwing bumibisita kami ni Red sa kanila dati. Pero hindi nawala yung pagiging maraskal nya. He ranked number 3 in the bar exam na kinagulat naming lahat." I told her. That was the time na medyo okay pa kami ni Red. Ang arte, samantalang hindi naman talaga Red tawag namin sa kanya. Rendo told me after our drama scene last week kung bakit nya gustong Red na ang tawag sa kanya. A new engineer from their firm was the first one who called him that at na astigan sya kaya ayon.

Huminto kami sa 206 na kwarto. "Dito lang ako sa labas. I know you have a lot to say to him"I said and tapped her shoulder. Ngumiti muna sya sakin bago pumasok sa loob. Sumilip ako sa pinto at nakitang nakahiga 'yung ugok sa kama. May dextrose na nakakabit sa kanya but I know hindi talaga nakaturok sa kanya 'yun.

'Galingan mo gago' I mouthed when I saw him slightly turned his head towards my direction. Isang ngisi ang natanggap ko sa kanya dahilan para matawa ako ng mahina bago tuluyang sinarado ni Lumi 'yung pinto.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Rendo na may dalang isang box ng dunot. Umangat ang kilay nya ng makita nya akong nasa labas.

"Hindi pa sila tapos"sabi ko sa kanya ng makalapit sya sakin.

I felt him kissed me on the side of my head and lightly hug me with his free arm. I chuckled a little when I heard him sniffing my hair.

Mahina ko syang tinulak.

"Stop. I haven't wash my hair yet"

"So?"

Kahit na sinabi ko 'yun ay inulit nya paring gawin. Para syang naka-akbay sakin habang nakapatong ang kamay nya sa ibabaw ng ulo ko. Napailing na lang ako dahil hindi ko naman sya magawang tutulan. I like him being like this pero medyo nakakahiya pag may dumadaan samin. Tinititigan kami, yung iba sume-second look pa.

Nakasandal kami pareho sa dingding, kaharap ng pintuan ng kwarto kung na saan si Fall.

"How's work?"tanong nya sakin

"As usual, nakakapagod pero masaya naman"sagot ko sa kanya at tiningala sya. Nginitian nya ako ng malaki sabay mabilis na hinalikan ang tungki ng ilong ko. Huli na ng mailayo ko yung ulo ko sa gulat.

Natawa sya sa reaksyon ko.

"Sunod tayo kela Fall gusto mo?"

"Huh? Papasok na tayo sa loob? Later na lang I'm sure marami pa silang pag--" hindi nya na ko pinatapos magsalita.

"Ang hina mo naman irog. Iba tinutukoy ko"reklamo nya sabay nagkamot sa gilid ng ulo nya.

"Eh ano ba?"

"Sunod tayong magpakasal sa kanila"deretso at seryosong sabi nya sakin.

I looked at him in daze.

"W-what?"

----*

Blanko (Mabunga Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon