10:15 am
Yana:
Hoy Lumiii
Tulungan mo naman ako oh
Lumiere:
Saan?
Yana:
Kay Jasper
Nagiging close na kayo ni Fall diba?
Lumiere:
Saang close na kami sinasabi mo?
Gurla sene-seen nga lang mga chat ko
Kay Rendo ka magpatulong
Yana:
No waaay!
Wag na lang kung sa kanya ako hihingi ng tulong
Lumiere:
??
Crush mo sya dati diba? Nung sophomore tayo hanggang nung third year sya pa rin
Pinapansin ka na nga nya
Grab it
Ba't biglang nag-ihip ang hangin?
Yana:
Masamang magpalit ng crush?
Lumiere:
Di mo ko mauuto yana babes
Kilala kita. Tanda mo nung nagkagusto ka sa soccer player nung highschool tayo?
Antagal din nung pagkabaliw mo sa kanya! Mahigit apat na taon kang nagtyaga sa lalaking yun ng di ka man lang nakikilala
Oha!
Mas matindi ka pa nga sakin.
Yana:
Dati yun
Tsaka antagal na nun
Lumiere:
Ohmygosh
Don't tell me
Dahil yun sa pagmessage sayo ni Jasper last month
Yung I love you?
Hala kaloka!!
Girl wrong message yun!
Hahahahahahaha
Yana:
Punyeta ka talaga Lumiere
Lumiere:
Ikr
Sige na
Cha-chat ko pa babes ko
Mwuah
Seen
![](https://img.wattpad.com/cover/235978623-288-k282463.jpg)
BINABASA MO ANG
Blanko (Mabunga Boys Series #2)
Teen FictionEpistolary Novel Rendo Asuncion: Ako'y naba-blanko sa tuwing ika'y aking nasisilayan