17

159 11 0
                                    

I bit my lips while I stare at my phone screen. It's been days simula ng huling chat namin ni Rendo. Hindi na rin sya pumupunta sa room. At first it was fine since yun naman talaga ang gusto ko. Wala ng nampepesti ng araw ko pero bakit hindi na ako mapakali nitong mga nakaraang araw?!

Tinignan ko ang convo naming dalawa. Wala namang mali sa huling chat ko. I thought he was just joking sa huling chat nya na 'sige, maraming salamat sa lahat' kasi madalas nyang linyahan yun.

I don't know but I'm getting frustrated. "Anyare sayo teh?" Tiningala ko si Lumiere. Nakaupo kasi ako sa sahig habang na sa kama sya. Bonding day namin ngayong araw kaya pumunta sya rito sa condo ko.

"Wala"sagot ko sabay buntong hininga.

"Wala pero kung makabuntong hininga wagas. Si Rendo mo ba yan?"she asked then wiggled her brows. I shook my head when she address Rendo as mine again. Ganyan lagi tawag nya kay Rendo pag kaming dalawa lang ang magkasama.

"Hindi sya bagay, Lumiere okay?"

"Whatever. So si Rendo problem mo?"

"Kind of"

"Inaway mo noh? Kaya di na nagpapakita sayo"

"No. Hindi ko sya inaway okay! Ewan ko ba dun. Naguguluhan ako"sabi ko sa kanya at umakyat sa kama ko. Nag-indian sit ako katulad nya.

"Di nga? At san ka naman naguguluhan?"

"Sa kanya"

"Baka naman sakanila?"sabi nya sabay umiling-iling. Napasimangot ako ng idadamay nya na naman si Jasper. I crossed my arms. Naalala ko tuloy yung pinag-usapan namin nakaraan ni Jasper. He explained about the message he sent me before. He was drunk when he sent that. Akala nya ay sa sesendan nya napunta yung message pero sa akin  pala. Nakaraan nya pa raw ako gustong kausapin kaso hindi nya magawa dahil busy sya pati laging naka-aligid sakin si Rendo. I grunted ng maalala ko na naman ang bwesit na 'yun.

"Pupunta ka ba sa laro nila bukas?"tanong ko sa kanya. Tumango naman sya. "Ikaw?"balik nyang tanong.

"Not sure. May tatapusin pa ako" I answered. Probably by now dapat kinukulit nya na ako na pumunta sa laro nila for tomorrow.

"Lapit na hell week"biglang sabi ni Lumi na nakatulala na. Ugh. Isa pa yan sa iniisip ko. Magdamag na review-han na naman ang gagawin ko.

"Pero after nun lapit na chirstmas break natin. Hindi kaya abutin ng christmas yang di nya pagpansin sayo? Ohmygosh baka lumamig lalo convo nyo"

"Alam mo nakaasar ka talaga 'no? Bagay talaga kayo nung jowa mo. Nakakairita kayo pareho"

"Eiih enebeyen"

"It's not even a compliment, stupid"

Unfortunately, hindi ako nakapunta sa game nila two days ago. Naging sobrang busy ako para sa project na ipapass namin today. Hindi ko na rin nabubuksan yung phone ko, nawawaglit sa isipan ko. Okay na rin yun. Para di ako madistract since marami na kaming ginagawa.

I was about to go out of the room when I saw him standing next to the door. His both hands were inside of his pockets while his body leaning on the wall. Hindi ko na sana sya papansinin katulad ng ginawa nya sakin these past few days. Biglang umangat yung ulo nya at napatingin sakin. Napastraight sya ng tayo nang makita nya ako. Akala ko ay wala syang balak magsalita dahil ilang segundo syang nakatitig lang sakin.

"Alyana"

"What?"mataray na tanong ko sa kanya sabay taas ng kilay ko.  Pero dumaan ang isang segundo ay nakatitig pa rin sya sakin. I deeply sigh and slightly shook my head.

"Look if you don't have anything to say to me, I'll go ahead kasi may pupuntahan pa ko"sabi ko sa kanya. He pouted because of that. At hindi ko alam kung bakit naging cute sya sa paningin ko bigla.

"Kaya mo talaga akong tiisin samantalang ako, mababaliw na ata ako kung di pa kita kakausapin"inabot nya ang kaliwang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.  He cage me between in his arms. I felt his face nuzzled in my neck and hug me tighter.

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisnge ko ng maramdaman ko ang bawat paghinga sa leeg ko.

"Namiss kita, irog ko"he whispered. Napangiti ako sa narinig at ginantihan sya ng yakap.

"Siraulo"

----------------------------------------------------------

Blanko (Mabunga Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon