1

1 0 0
                                    

Hindi ako pinatulog ng utak ko ngayon.
Actually lagi naman, laging hindi ako makatulog kakaisip sayo. Satin. May mga araw na sobrang saya ko kasi alam ko na nandyan ka para sakin. Alam ko na may naghihintay sakin.
Kaso iba ngayon, di ako nakatulog kasi para akong pinapatay sa sakit.

Ang sakit kasi sabi mo ok lang na masanay ako.
Kasi wala ka naman planong itigil to.
Ano na kaya nangyare ngayon? Hindi ko alam kung anong eksaktong explanation gagawin ko pero kahit naman anong sabihin ko isa lang ang kalalabasan non, sobrang sobrang nasasaktan ako.

Ewan ko, mataas naman ang pain tolerance ko. Hinanda ko naman sarili ko kasi nung una palang alam ko ng mangyayare to. Pero putangina iba pala pag nandito na ako mismo sa sitwasyon. Kahit anong handa ko, hindi ko inasahan na ganito sakit.

Mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal na mahal kita. Kahit alam ko na dehado ako sa relasyon na to, alam ko sa sarili ko na sobrang mahal kita. Palagi kong sasabihin sayo na mahal kita. Kahit hindi na pwede. Kahit hindi na tayo.

Palagi kong aalalahanin lahat ng memories mo. Kahit dun man lang kasama kita. Kahit dun lang maramdaman ko na ako yung mahal mo.

Kung pwede ko lang hatakin pabalik yung panahon,
ginawa ko na. Kung kaya ko lang utangin lahat ng bukas makasama ka lang, ginawa ko na.
Kaso wala naman akong magic, wala tayo sa fairytale. Hindi mangyayare lahat ng naiisip ko. Hindi kelan man mangyayare na ako ang kasama mo.

Kung tatanungin man ako, kung makikilala man kita ulit for the first time, willing akong pagdaanan ulit lahat ng sakit, basta ikaw yung kapalit. Basta ikaw yung price. Kasi wala naman ako ibang hiniling kundi ikaw. Wala akong ibang gusto kundi ikaw. It is you since I first saw you, it is you now. At ikaw pa din for the rest of my life.

Thank you for everything. Thank you kasi kahit sandali, naranasan ko na mahalin pabalik ng taong mahal ko. Hindi man nagtagal, pero atleast. Kahit malabo, aasa pa din ako. Na baka isang araw pwede na. Baka isang araw, bumalik ka. Kapag nangyare yun, nandito lang ako. I would take you back without any doubts and any second thoughts.

I love you, no matter what. Kahit walang kapalit. Kahit masakit. I love you. I would trade anything I have just to have you once again. Please take care of yourself for me. Babi, mamimiss ko lahat lahat sayo. Mamimiss ko lahat ng ginagawa mo. Mamimiss ko makita yung pangalan mo sa messages at call logs ko. Mamimiss ko yung pag admire mo ng sobra sakin. Mamimiss ko kung paano mo ko yakapin at halikan. Kung paano mo ko suyuin kapag nag aaway tayo. Mamimiss kita sobra.

Love, C.Where stories live. Discover now