Dalawang araw pa lang.
Para na akong pinapatay sa sakit. Wala akong gana sa lahat ng bagay. Di ako makakain. Di ako makatulog ng maayos. Alam mo yung kada umaga nalang parang ayoko ng bumangon. Masakit pala kapag dinadaan daanan mo nalang ako. Sobrang sakit kasi kahit tingin hindi mo na magawa. Namimiss ko na yung malayo palang ako nakangiti ka na sakin. Miss ko na yung kapag nadaanan kita tatawagin mo agad ako ng babi. Hirap kapag nasanay sa isang bagay tapos bigla nalang nawala. Para na akong masisiraan ng bait.Tuwing nakikita kita, gustong gusto na kitang lapitan. Gustong gusto na kitang yakapin. Gustong gusto ko ng magsumbong sayo. Gusto ko na sabihin na babi nahihirapan na ako. Babi sobrang sakit na. Babi di ko na kaya. Pero hindi ko na magawa kasi ayun, dahil sa nangyare parang hindi mo na ako kilala.
Mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mahal ko. Sana nga mangyare yung sinasabi mo na sumaya ako. Kasi kahit ako naghihintay ako na mangyare yun. At sana, kapag nangyare yun ikaw ang kasama ko. Miss na miss na kita.