Isang buwan mahigit na. Walang nagbago. Gumigising pa din ako sa umaga na nag aantay sayo. Palagi ko pa din tinitignan yung cellphone ko, nag aantay sa mga tawag at text mo na alam kong hindi na dadating kahit anong gawin ko.
Masakit. Kasi sinanay mo ko. Halos araw araw kitang kasama. Halos oras oras kitang kausap. Tapos biglang isang araw, nagdesisyon ka na lang na layuan ako. Masakit. Hindi kaya ng puso ko yung sakit.
Di ko alam pero nagagalit ako sa sarili ko. Nagagalit ako sa mundo kasi tangina, oo nag aaway tayo. Oo nagkakaroon tayo ng di pagkakaintindihan pero naayos naman natin e. Hindi tayo ganito. Hindi tayo nakakatiis sa isat isa. Puta bakit ngayon ganito na? Bakit?
Di ko alam kung saan ako magsisimula ulit. Simula sa araw na pinili mo kong iwan, hindi ko na alam ang gagawin ko. I became lifeless. Halos buong buhay ko dinala mo nung umalis ka. Wala kang tinira. Wala kang iniwang kahit ano.
Nawalan ako ng gana sa buhay. Nawalan ako ng dahilan para magpatuloy. Wala na akong nakikitang pag asa. Di ko alam kung kelan ko ulit mababawi yung sarili ko.
Sabihin mo ng makasarili ako pero araw araw ko pa din hinihiling na sana nandito ka pa din. Na sana kasama pa din kita. Kahit bitawan mo ulit ako sa dulo, wala na akong pakialam.
Isa lang ang sigurado ako, pagkatapos ng lahat ng to, ikaw pa din ang gusto kong mahalin. Ikaw pa din ang gusto kong piliin. Sa susunod na bubuhayin ako ulit, ikaw pa din ang mahal ko.
Maghihintay ako.