Hi, Babi. Hindi ko alam kung anong mga eksaktong sasabihin ko. Pero, miss na miss na kita.
Miss ko na yung amoy mo.
Miss ko na yung mga yakap mo.
Miss ko na yung mga hawak mo sakin.
Miss ko na yung mga titig mo... na parang ako lang ang maganda sa paningin mo.
Miss ko na yung mga halik mo.
Miss ko na yung pagkasabik mo na makita ko.
Miss na miss ko na lahat sayo.Babi, miss na miss na kita. Naiisip mo din kaya ako? Ni minsan ba sumagi din ako sa isip mo?
Hanggang ngayon, nasasaktan pa din ako. Umiiyak pa din ako. Di ka na mawala sa utak ko. At alam ko na kahit anong gawin ko, hindi ka na mawawala dito.
Nung nagdecide ka na iwan ako, di mo lang ako basta sinaktan. Para mo na din akong pinatay. I am close to being insane, I can't even think straight. Yet my mind is still longing for you.
Di ko alam na posible pala to, yung kahit sobrang nasasaktan na ako, ikaw pa din yung hinahanap ko. Ikaw pa din yung gusto ko. Ikaw pa din yung mahal ko.
I don't know when will I be ok, pero isa lang ang nasisiguro ko, even if I'm ok, ikaw pa din ang gusto kong mahalin. And God knows I'll wait even if it takes forever just to have another moment with you. Paulit ulit kitang hihilingin sa diyos.
Until then, I'm here. Waiting patiently. Sobrang mahal na mahal kita.