Paano kung sa tinagal tagal ng panahon kahit anong gawin ko hindi kita kayang palitan?
Paano kung madaming dadating na bago tapos di ko naman sila magawang mahalin kasi hindi sila ikaw?
Paano kung sa bawat taong makikilala ko, hahanapin lang kita sakanila?Ito yung masakit sa mga pangako.
Masakit alalahanin kasi hindi naman nagawa. At kahit kailan, hindi na magagawa pa.Masakit kasi lahat ng bagay na meron ako may memories ka. Ultimo bawat oras ng araw ko, mapa madaling araw, umaga o hapon pa yan. Masakit kasi hindi na ako magiging katulad ng dati kung paano mo ko nakilala. Hindi ko na maibabalik yung dating ako na nawala simula minahal kita.
Hindi ako nagsisisi. Hindi ako nagsisising ginusto kita kahit pa sobrang sama ng dinulot sakin nito. Kahit pa sobrang dehado ko sa sitwasyon na to. Kahit pa kinagalitan ako ng buong mundo, wala akong pinagsisisihan. Hindi kita pinagsisisihan.
Hindi ko na magawang makinig sa mga kantang pareho nating gusto. Di ko na magawang kumain ng mga pagkain na sabay nating kinain. Tangina. I can't even eat an ice cream kasi ikaw ang naaalala ko. Di na ako makapunta sa lugar na madalas natin puntahan kasi wala akong ibang naaalala kundi ikaw. Palagi naman ikaw.
Paano nga ba tayo babalik sa strangers e halos nakita mo na yung buong ako? Nakita mo na lahat ng meron ako. Nakita mo na kung ano yung mga kinakatakot ko. Tapos mas masakit pa dun, kung anong kinakatakot ko ginawa mo din sakin.
I don't know why but after all that happened, ni konti hindi ako nagalit sayo even when I have all the reasons in the world para kagalitan ka. Maybe because I love you so damn much that even the hardest and painful pain natakpan niya. Ganito kita kamahal. Hindi ako nagmahal ng ganito dati. Sayo lang.
Maybe, hindi ako kawalan sayo. Pero ikaw, kawalan ka sakin. I lost a reason to get up every morning. I lost my purpose of living. I lost every god damn reason of my only happiness. Hindi ko alam, sobrang pilay ako ngayon. I can't even think straight of things I need to do, ikaw lang ang naiisip ko.
I love you so much. I love you so much it hurts. I know. I know I need to let you go. Kahit ayaw ko. Kahit masakit. Kahit parang mamamatay ako sa sakit. I need to let you go kasi hindi ka naman sakin. And I can't even comprehend any word that matches how painful it is to let you go kahit labag sa loob ko. Sobrang masakit.
Thank you for the wonderful memories. I hope when I see you again, I can face you without remembering your broken promises. Sana pag nagkita tayo ulit, I hope I already moved on from you. I guess this ends here.