9

0 0 0
                                    

Miss na miss na miss na kita.
Kamusta ka na kaya? Naiisip mo din kaya ako? Minsan ba sumagi din ako sa utak mo?

Kasi ako, oo. Hindi ka nawala sa isip ko. Araw araw, ikaw lang ang laman ng puso at isip ko.
Alam ko naman na masaya ka na, sa mga kwento palang nila alam ko ng ok ka na.
Siguro nga kaya mas masakit ngayon, kasi ang bilis mo nakalimot. Samantalang ako eto, sirang sira pa din.

Di ko alam pero iniiyakan ko pa din araw araw lahat ng nangyari. Sobrang sakit pa din.
Paminsan minsan, natutulala na lang ako at di ko namamalayan na lahat ng good memories natin nagfflashback nalang sa utak ko. Ang sakit, sobrang sakit.

Ilang beses kong binalak na kausapin ka. Ilang beses ko na muntik na tawagan ka kasi gustong gusto ko ng marinig yung boses mo. Ilang beses ko ng inisip na itext ka, pero alam ko naman na ayaw mo yun. Kasi ayos ka na.

Sana kaya ko din kalimutan ka ng ganun lang. Kung paano mo nagawa. Sana kaya ko din gumising kagaya mo na wala ng nararamdamang kahit ano.

Sana kaya ko ng bitawan lahat ng mga sinabi at pinangako mo. Sana ganun kadali.

Kung nasan ka man, sana ok ka. At sana masaya ka. Kagaya ng lagi kong sinasabi sayo nung nasakin ka pa, masaya ako basta masaya ka. Di bale ng hindi ako ang kasama mo, basta masaya ka. Ok na din sakin yun.

Mahal na mahal kita. Palagi kong dinarasal sa diyos na sana kunin nalang niya yung sakit na nararamdaman ko kasi hindi ko na kaya. Sobrang sakit na. Sobrang hirap ng buhay na wala ka.

Ikaw pa din. Ikaw pa din kahit masakit. Ikaw pa din kahit nakakadurog. Ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko kahit wala ka na sakin...

Ikaw pa din kahit hindi na ako.

Love, C.Where stories live. Discover now